Chapter 32
Ang weird ni Harrison. Ano kayang nalalaman niya? Ilang beses kong iniisip kung ano ba ang pinakatatago kong sikreto tapos wala naman? Haaaaay! Mabubuang ako kakaisip e!
Natigil ako sa pag-iisip may kumatok.
"Lili, can I get in?" sabay pasok sa kwarto ko. Wow ha? Hahaha.
"Nagtanong ka pa."
"Gising na Lili. You have class pa."
Teka? Bakit kaya bihis na bihis 'to?
"San punta?"
"I'll go with you. Since I'm bored, I will work as a contractual professor in your school."
"Wehh?" minsan talaga mapagbiro 'tong pinsan ko.
"I'm serious Lili. I've got this planned before ako dumating dito. I have a friend and he offered me a job. Isn't it nice?" amazed na amazed pa siya sa pagkukwento.
"Seriously Harhar?"
Nginisian niya lang ako at tinulak noo ko. "Get ready na. I don't want to be late."
"Weird" mahina kong nasabi. Kung kelan ilang months na makalipas ang second sem. Tumatanggap pa ba yun? Well baka nga. Ano bang malay ko sa pag-ha-hire ng employees.
Akala ko mag-cocommute kami. Nilabas niya sa garage yun sasakyan niya. Yaman talaga nito.
Kung titignan, hindi mukhang professor 'tong pinsan ko. More like, estudyante.
"Stop Harhar. Dito na ako bababa."
"Bakit? Let me go with you in your room. I want to see where you sit." ANO DAW?
"Bakit? Ang echos mo ha. Dito na ako. Sabay ba tayo uuwi? 3pm ang uwian ko e." kapag ito mas late pa sa akin uuna na ako umuwi.
Sinabi niya na 5 pa daw ang out niya. Ayoko nga maghintay ng 2hrs. Nakakgutom.
"Bahala ka mauuna na ako uuwi mamaya babay." bumaba na ako sa sasakyan at pumunta na sa room.
"Liya! Uy pinapatawag ka sa department kakausapin ka ata tungkol dun sa exam." nagulat ako. Ito na kailangan ko mag-explain para pakuhain ako.
Palabas na sana ako ng makasalubong ko si Loyd.
Natataranta ako. Sheeeeemz!
"Hoy bakit ka nandito?" tanong ko. Kailangan di halata na natataranta.
"Wala naman gusto ko lang ma-sure na nandiyan ka na sa room mo. Saan pala punta mo? Siguro pupuntahan mo ako 'no?" biro niya. Baliw 'to kainis. Pinapabilis tibok ng puso ko. Bwiset.
"Yabang mo. Hindi 'no pinapatawag daw ako e."
Sasamahan pa niya ako dapat kaso sabi ko 'wag na. Baka mamaya wala pa ako masabi sa prof ko.
Pagkapasok ko, hinanap ko yung table ni sir. May kausap kaya nakatalikod. Napansin yata ako nung kausap niya kaya tinuro ako.
"Ms. Buenavista. Bakit wala ka kahapon, nagbigay ako ng surprise exam?"
Halos mapanganga ako. Bwiset! Si Harrison! Bakit siya? Amp sinadya niya ba 'to? What is he trying to do? Sa dinami dami ng courses talagang dito pa siya. Ammmmmp!
Muntik ko na kamo siyang masigawan sa department dahil sa pagkagulat. Buti na lang may tumawag sa kanya at binati ng 'Hi sir' kaya naalala kong isa nga pala siyang professor.
I did the reasoning and pinayagan ako mag-take pero iba na daw yung mga questions. Kainis. Pinabitbit pa sakin gamit niya. Kalalaking tao batukan ko 'to e. Pero nirerespeto ko siya kahit hindi siya karespe-respeto HAHAHA. XD
BINABASA MO ANG
Can't Be In Love [ONGOING]
RomanceSi Aliya ay isang simpleng babae na masayahin, mabait at alam lahat ng romantic movies at kung anu-ano pang tungkol sa love. Ano kaya ang mangyayari kung matagpuan niya ang lalaking magmamahal sa kanya? Magiging success at nakakakilig kaya ang love...