Chapter 36

4 0 0
                                    

Chapter 36

Wew sobrang toxic ng araw na 'to. Sunod sunod na deadline ng mga projects. Palibhasa end of the semester na.

Haggard na ang lola niyo. Kainis! Pumasok lang ako para maging haggard. Hahahah charing. XD

Kasi naman imagine-in niyo, pumasok tayong fresh tapos uuwi tayong mukhang nirape. Hays. Alam ko nakakarelate yung iba hehehe.

"Liya, sabay na tayo magpasa mamaya nung essay ah?"

"Ha? anong essay? Meron ba nun? Shocks wala yata ako nun!" nilabas ko lahat ng mga papel na nasa loob ng bag ko. Shemss! Patay ako.

"Hala bakit hindi ko alam yun Mary. Wala yata akong gawa." Nakakastress naman oh.

"Kabado ohhh. Wala naman jino-joke lang kita hahaha." Sinamaan ko nga ng tingin. Kita ng haggard na e.

Nung matapos ang araw ay sobrang sarap sa feeling na tapos na sa mga ipapasa.

"Sa wakaaaaaaas" umunat unat ako habang nasa field kami ni Mary.

"Para kang tanga diyan Liya"

"Okay lang yun. Hahaha ang saya kaya tapos na sa mga projects."

"Tara kain tayo sa labas. I-reward naman natin ang sarili natin."

Napagpasyahan namin na kumain ng pizza. Nakita kasi namin sa tv sa may canteen habang nag-iisip kami ng makakain.

"Wait! Mas masaya kapag marami, yayain ko yung iba ah?"

Nauna na kami ni Mary sa Greenwich. Pumipili na kami ng oorder-in. Marami rami din yung mga kaklase naming sumunod. Kasama na dun sina Ace, Hex, Leila at marami pang iba. Halos nasa twenty din kami.

Oo nga pala si Ace, wala akong balita sa kanya nung mga panahong absent siya sa klase. Hindi ko rin alam ang dahilan ng pag absent niya, wala naman siyang nababanggit. Nagpapansinan naman kami pero iba na hindi na gaya ng dati. Parang may something na ilang siya sa akim or whatsoever.

Naging medyo distant siya sa akin.Hindi ko matukoy kung ano ang gulo naman kasi nitong si Ace. Ang hirap basahin nito.

Ang ingay ingay namin dito parang kami lang tao. Hahaha. Ang gulo pati.

Nag order na yung iba. Habang wala pa yung pagkain, nagselfie selfie muna kami habang naghihintay.

"Upload mo na yan agad agad ha?"-classmate1

"Tag mo sa akin yan ah."-classmate2

"Ayaaaan na, yessss kainan na."-classmate3

Can't Be In Love [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon