Chapter 38
Ang tagal na din nung last na bisita ko dito.
'Lahat naman tayo ay may takot kapag nagmamahal. Kasi hindi naman natin alam kung yung taong mahal natin ay mahal din tayo o baka naman ginagamit lang tayo. Siguro, mas matindi yung takot na nararamdaman mo kumapara sa amin. You just got to be tougher and braver. It's just only in the mind. We are not exempted to be hurt. All of us are going through this.'
Naalala ko tong pangaral ni loverboy.
Si Ace pala si loverboy. Hindi ko talaga ineexpect na siya pala yun. Oo nga pala, nung araw na nalaman kong siya si loverboy ay may isinulat siya dito ah. Nasaan na kaya yun?
May mahabang arrow na nakadikit sa vandal ko na 'MASAKIT. Sobrang masakit ang nararamdaman ko ngayon. Nakakalungkot.'
'Alam mo, sa tingin ko, nararamdaman ko din yang nararamdaman mo. Sobra akong nasasaktan. Masakit na malaman mo na yung taong mahal mo ay may ibang minamahal.' May mahal na si Ace? At yung mahal niya ay mahal na iba? Sino yun?
Meron pang vandal.
'Hi! Bakit hindi ka na nagsusulat dito? Ang sarap pala maglabas ng sama ng loob dito. Medyo gumaan ang pakiramdam ko. Sana dumating yung araw na magkita tayo.'
Gusto niya na magkita kami. Ano kayang reaksiyon niya kapag nalaman niyang ako yun? Ayoko magpakita. Mas mabuti na yun.
Imbis na mag-isip pa ay sumagot na lang ako sa sulat niya.
'Busy e. Salamat pala sa message mo, kahit paano lumakas ang loob ko. Alam mo ba na natalo ko na yung kinatatakutan ko? Hindi ko alam kung darating ang araw na magkikita tayo. May phobia kasi ako na umibig (philophobia). Baka matawa ka lang kasi baka sa tingin mo napakababaw lang nito. Pero hindi ganun kadali magkaroon ng ganoon. Thank GOD naovercome ko siya. Isa ka sa mga tao na nagpalakas sa akin kaya maraming maraming salamat.'
BINABASA MO ANG
Can't Be In Love [ONGOING]
RomanceSi Aliya ay isang simpleng babae na masayahin, mabait at alam lahat ng romantic movies at kung anu-ano pang tungkol sa love. Ano kaya ang mangyayari kung matagpuan niya ang lalaking magmamahal sa kanya? Magiging success at nakakakilig kaya ang love...