Eheeem! Dun sa nag-add ng story na 'to sa reading list niya, I dedicate this chap for you. Haha wala lang natuwa lang ako. Salamat! First time magdedicate. Wahahaha!--------------
Chapter 25
Ring ring
*Loyd calling*
Tsssss.
*after few minutes*
Ring ring
*Ace calling*
Tsss mga kolokoy talaga 'to tawag ng tawag bahala kayo diyan.
Paano naman kasi gusto ako pauwiin ayun tumakas ako hahaha. Sabi ko kasi ccr lang ako pero tinakasan ko na sila.
Ring ring
Arrrghhhh.
*Mary calling*
Ay si Mary pala.
"Mary, bakit napatawag ka?"
"Pwede mo ba ako samahan bumili ng.......n-napkin? Biglaan kasi akong nagkaroon e."
"Ano? Teka nasaan ka na ba? Gusto mo ako na lang bumili?" nagmamadali kong tanong kasi naman e loka talaga 'tong babae na 'to.
"Samahan na kita. Nasa room ako."
"Ok papunta na." at binabaan ko na siya ng tawag. Nagmamadali akong umakyat ng hagdan kahit medyo mabigat yung katawan ko. Pero mas ok na 'to kesa kanina. Feeling ko bumaba yung sakit ko. Parang lagnat na lang. Haha
Mabuti na lang at nung pagdating ko ay si Mary lang ang tao.
"Tara?" sabi ko sa kanya pero parang bakita ayaw niya pa tumayo? Ano bang problema nito?
"Tinagusan ka ba? Ako na lang ang bibili." tumango siya kaya nagsimula na ako lumakad palabas ng room.
"Si Mary lang pala ang makakatawag sa'yo ah." putik! Nakakainis aatakihin ata ako sa puso. Paano ba naman. Nasa gilid ng pinto. Hindi ko alam na may tao pala peste.
"Bakit ba kayo nanggugulat? Tsaka-" hindi na ako nakatapos ng pagsasalita kasi hinugot sa akin ni Ace yung bag ko at binigay kay Loyd. What the fudge??!
"Kung saan saan ka namin hinanap ikaw talaga. Uuwi ka na?" bakit ba mas marunong pa sila sa akin? Nakakainis.
"Mary salamat ah sa pagpapapunta mo dito sa makulit na 'to." ano? Talagang inutusan pa nila si Mary. At ano daw? Ako?? Makulit?
"Ayoko pa nga umuwi bakit ba mapilit kayo?" sapakin ko kayo e.
"Mataas lagnat mo hoy. Para makapahinga ka na." sagot naman nitong si Loyd.
Hinawakan pa nila ako sa ng sabay. Si Loyd sa may leeg. Si Ace sa may noo. Amp!
"Kitams!" talagang sabay na sabay ah. :/
"Ano? Baka naman gusto mo pang buhatin ka namin para lang umuwi ka? Sasama ka o bubuhatin ka namin."
"Tinatakot niyo ba ako? As if mabubuhat." mahina kong sabi dahil sa hindi ako naniniwala. Napairap na lang ako.
BINABASA MO ANG
Can't Be In Love [ONGOING]
RomanceSi Aliya ay isang simpleng babae na masayahin, mabait at alam lahat ng romantic movies at kung anu-ano pang tungkol sa love. Ano kaya ang mangyayari kung matagpuan niya ang lalaking magmamahal sa kanya? Magiging success at nakakakilig kaya ang love...