Chapter 26
"Hoy babaita. Anong nangyari sa'yo? Ilang araw ka na namang absent. Siya nga pala ito yung mga notes." ang bait talaga ni Mary. Nginitian ko siya at nagpasalamat ako.
Friday pala ngayon haha 2days ako absent matapos ang madugong midtern sa pe. Kainis kasi biglang nilagnat ulit ako after nung magprelim kami.
Ang dami ko ng namiss na tao este mga lessons pala hahaha.
"Huy okay ka na ba talaga?" biglaang tanong ni Mary na kasalukuyang nasa likod ko. Tae muntik na ako mapasigaw sa panggugulat niya. -.-
Seryoso kasi akong kumokopya e. Talaga naman oh.
"Oo ano ka ba para kang kabute. Mapirme ka nga." sagot ko sa kanya at balik ako sa pagkopya ng notes.
"Uuyyy teka, alam mo ba kung bakit LQ yung dalawa?" Ha? Sino tinutukoy niya? Hindi ko na lang sinagot kasi matatagalan ako sa pagkopya kapag sinabayan ko pa ng daldal.
"Nice talking." ayyyy! Napatigil tuloy ako. Binaba ko yung ballpen at lumingon sa kanya.
"Sino ba?" pabulong kong tanong sa kanya.
"Si Ace at Leila nung wala ka kaya nagdadabog si Leila hindi siya pinapansin ni Ace." Huwaaaaat? Tama ba ang pagkakarinig ko? Pero bakit kaya? Wala namang nakukwento sa akin si Ace e kaya wala akong alam.
"Talaga? Ngayon ko lang nalaman. Bakit kaya?" Nang mapansin kong nalilibang na ako sa pakikipagdaldalan ay sinabi ko kay Mary na magsusulat muna ako at huwag na muna niya akong daldalin haha.
Pero pansin ko nga not in good terms yung dalawa ngayon.
Natapos ang araw na ito sa puro discussion lang ang nangyari wala namang kakaiba. Hahaha. Kaya....
"YESSS UWIAN TAYYYYMAH!" Super excited na me umuwi kasi may bago akong download na laro sa computer wahaha.
Nang makauwi ako sa bahay ay diretso laro na agad ako XD wala na akong ginawa nung araw na 'yon kung hindi maglaro.
Tumawag pa sa akin si bestie, pinaalala sa akin yung bukas. Bigla naman ako napatigil sa paglalaro kasi bukas yung first therapy ko. Waaaaa. Kami lang ni bestie ang nakakaalam nun. Ano kaya ang sasabihin kong palusot kay papa?
Nakatulog na pala ako kakaisip huhuhu bahala na nga lang kung ano ang paalam na gagawin ko.
*makalipas ang ilang oras*
BINABASA MO ANG
Can't Be In Love [ONGOING]
RomanceSi Aliya ay isang simpleng babae na masayahin, mabait at alam lahat ng romantic movies at kung anu-ano pang tungkol sa love. Ano kaya ang mangyayari kung matagpuan niya ang lalaking magmamahal sa kanya? Magiging success at nakakakilig kaya ang love...