Chapter 12
This is it pansit! Ngayon yung general assembly. On the way na ako sa school. 8 pa naman yung start ng assembly pero guess what kung anong oras na ngayon? Hahaha. 6am pa lang oh my gummy worms! Im so early! Haha. Aayusin pa kasi namin ni Leila yung surprise niya haha. Grabe! Pungay na pungay pa ng mata ko oh ~.~ still sleepy. Kasi naman late na ako nakatulog kakapraktis sa role ko para sa surprise niya. Excited na ba kayong malaman ha? Haha ako hindi e.
Nang makarating ako, hinanda na namin ang dapat ihanda.
Unti unti nang dumadami ang tao. Sa may hall kasi gaganapin yung general assembly pati na din yung acquaintance. Ang cute nung dalawang emcee. Haha :D halos kalahati na ng hall yung dami ng tao. Nandito na din yung mga higher years. Naisagawa ng maayos ang mga traditional introduction. Alam niyo na yun, pangungunahan ng prayer and etc. Haha! Ginroup nga kami e. Team yellow ako. Si Leila sa blue. Si Clay naman anduuuuun sa green. Tapos si Ace naman sa red yata. Andun siya e. Aba papalapit dito.
"Anong team ka?" tanong niya sa akin.
"Yellow. Why?"
"pa-why why ka pa diyan yellow din ako." akala ko ba red 'to??
"Luuuhh pauso mo uy. Utot! Sa red ka kaya." tinutulak ko pa para paalisin. Kasi naman e gagawa nga ng cheer bawat grupo baka spy lang siya.
"Yellow nga." hindi pa din ako makapaniwala.
"Tanong mo pa dun sa leader" hmmm bahala na nga. Nagcircle na kami.
"Oh anong cheer natin sino ang may suggestion?" tanong nung 4th years. May nagvolunteer. Ayun tinuturo sa amin yung cheer pati dance step hahaha! Pinosition na din kami para sa blockings. Kinarir na namin. Si Ace naman epal epal lang feeling leader daw ako. Kasi e isa ako sa mga nasa harapan hahaha.
Ang saya lang ang galing lang naming yellow team. Wahahah! Nung nagpresent kami ayun halos mapaos ako kakasigaw sa cheer. Nung sina Clay naman sobrang natatawa kami ni Ace parang poste yung si Clay tuod magsayaw! Hahaha ang kulit lang. Halata sa kanya na nahihiya. Sumigaw pa nga kaminni Ace ng "GO PAPA CLAY" ayun lalong nahiya! XD
Grupo nina Leila yung panalo. Ang daya lang. Mas maganda kaya yung sa amin. :/
Ok lang babawi kami! Hmmmp. May prize na pagkaen e. Gusto ko yuuuun! Next naman e nag amazing race. Pipili lang ng 5 members per group. Hinatak ko na agad si Ace at nagvolunteer kami.
"Kailangan manalo tayo. Nakita ko yung prize masarap yun" binulong ko kay Ace ayaw pa kasi potek pa chix ang arte!
"Ikaw lang naman makikinabang nun e" kinotongan ko nga. Habang ineexplain sa amin yung mechanics, iniintindi ko maigi at kinokondisyon ang sarili ko. Nag stretching pa nga ako.
BINABASA MO ANG
Can't Be In Love [ONGOING]
RomanceSi Aliya ay isang simpleng babae na masayahin, mabait at alam lahat ng romantic movies at kung anu-ano pang tungkol sa love. Ano kaya ang mangyayari kung matagpuan niya ang lalaking magmamahal sa kanya? Magiging success at nakakakilig kaya ang love...