Chapter 37
It's been a week. Ang init init palibhasa summer na summer.
"Iniiiiiiit katamad naman pumuntang school."
Para akong iniihaw sa init. Lumabas ako ng kwarto ng makainom ng malamig na malamig na tubig. Naabutan ko si papa at Harhar sa mesa.
"Seriously Harhar papasok kang ganyan? Init init long sleeves pa more." ako ang naiinitan sa suot ni Harrison e.
"Hindi ka ba punta school? Bakit hindi ka pa naliligo?"
Kumuha ako ng bacon at pinalaman sa tasty.
"Tinatamad ako ang init kaya."
"Hoy Aliya anong tinatamad?" nalimutan kong nandito nga pala si papa. Patay
"Joke lang po papasok na. Har, antay mo ko ligo na ako."
Pawis na agad ako kakaligo ko lang. Hays.
"Har, palakasan nga konti ng aircon."
Wala naman na yatang gagawin e. Isang pirma na lang sa clearance ang kailangan ko, papasuyo ko na lang sana kay Mary yun.
"Har, pwede ba dito na lang ako maghapon bukas ang aircon?"
"Magtigil ka. We're here na kaya tsupi na." Ano ako aso? Tsss.
Bwiset ka, sapakin kita jan e. Nagmadali na ako pumunta ng room para puntahan si Mary. Naabutan ko siya dun na nagpapahangin sa harap ng electric fan. Wooo sarap naman sa pwesto ni Mary.
"Tara papirma na tayo ng makauwi na."
Missing in action ang prof huhuhu. Gusto ko ng umuwi. Wala sa department niya pano na yun.
Sa sobrang init gusto ko ng gumapang pabalik sa room.
Niyaya ko si Mary na bumili muna kami ng kahit ano na makakatanggal uhaw at makakarefresh sa amin kaya sa canteen kami nagtungo.
Yun lang daming tambay na estudyante halos wala na ring mauupuan.
"Mary, tignan mo yun halo-halo ang sarap saan kaya nabili may ice cream pa sa ibabaw."
Saan kaya yun nabili? Palinga linga ako para hanapin ang stall na nagbebenta ng ganun.
"Liya, may bakante dun oh. Dali para mau maupuan tayo."
BINABASA MO ANG
Can't Be In Love [ONGOING]
RomanceSi Aliya ay isang simpleng babae na masayahin, mabait at alam lahat ng romantic movies at kung anu-ano pang tungkol sa love. Ano kaya ang mangyayari kung matagpuan niya ang lalaking magmamahal sa kanya? Magiging success at nakakakilig kaya ang love...