Chapter 7
Ano kaya sasabihin nito? Hmm.
"Ano ba yun Ace?"
"Liya..." pasuspense naman to amp! Naiirita na ako ha. "Pakopya naman ng assignment. Nakalimutan ko kasi e." sabay kamot sa ulo. Toinkss! Serious masyado tapos mangongopya lang pala ng assignment -.-"
Inabot ko na lang sa kanya yung assignment ko.
"Wag kang mag-alala may baon ako dala ni mama. Sabi niya bigyan daw kita." awwww sweet naman ni tita.
"Talaga? Penge!" excited na ako tikman wohoho ^o^
"Mamaya na grabe ka naman hintayin mo na lang muna maglunch." tssss why so damot?! Hmmmmmmppp!
"Oo nga pala. Pasensya ka na sa kaibigan ko ah."
Nagmumuni muni lang ako. Sana talaga panagutan niya si bestie kung hindi hahabulin ko yun ng taga. Tsaka sana po maglunch na im soooo excited! Ano kaya yun? Cookies? Brownies? Woooow!
"Liya! Kinakausap kita." ha? May sinasabi ba siya?
"Alin ba yun?" nagtataka kong tanong.
"Sabi ko pasensya ka na sa kaibigan ko."
"Ay ako pala yung kausap mo?..... ARAY!" batukan ba naman ako? Amp!!
"Sabi ko pasensya ka na sa kaibigan kong si Loyd." tama ba ang dinig ko? Kaibigan ni kumag si Loyd?
"Kaibigan mo yung mayabang na yun?" tumango siya.
"Pinapasabi niya sorry daw." talagang nag-utos pa siya ah. Hindi ko nga tinanggap magsosorry na nga lang kailangan pang iutos. :/ Dapat siya mismo ang magsasabi sa akin.
Nakwento niya din sa akin na high school palang e magkaklase na sila. Tapos pakners in kalokohan daw silang dalawa. Naku! Buti na lang at naimpluwensyahan ng sobra ng Loyd na yun si Ace. Napakayabang kasi sarap lang iumpog sa pader XD wahahaha!
Nung lunch time, sabay na kami lumabas ng room nina Leila. Akala ko pa naman ok na yung araw ko. Kaso hindi pala dahil sa isang asungot na ubod ng kayabangan ang naghihintay sa labas.
"Oy dre, kanina ka pa ba diyan? Tara sa canteen." tara daw? What the! Kasama namin yan? Tsk alam naman ni Ace na mainit ang dugo ko diyan e. Bwisit patingin tingin pa 'tong yabang na 'to. Tusukin ko mata nito e.
"Bili lang kami ni Leila ng pagkain ah. Ako na bibili ng sa iyo Loyd." aba hindi ako papayag na maiwan kasama ang mayabang na 'to. Magsasalita na sana ako kaso inunahan ako ni Ace. Si Leila ma lang daw ang bibili sa akin at tinanong ako kung ano ang sa akin. Para naman daw may kasama 'tong Loyd na 'to. Tsssss kayang kaya naman niya mag-isa e malaki na siya.
"Oy ano bang pangalan mo?" bahala ka sa buhay mo. Kausapin mo sarili mo. Hindi ko nililingon manigas ka.
BINABASA MO ANG
Can't Be In Love [ONGOING]
RomanceSi Aliya ay isang simpleng babae na masayahin, mabait at alam lahat ng romantic movies at kung anu-ano pang tungkol sa love. Ano kaya ang mangyayari kung matagpuan niya ang lalaking magmamahal sa kanya? Magiging success at nakakakilig kaya ang love...