Chapter 19

10 0 0
                                    

Chapter 19

"Okay very good! We will have a match among the groups next meeting ha? That would be your prelim." 

Woah! Ayos ah. Ang saya. Marami sa amin ang nag 'yahoo' yung iba naman e parang end of the world na kung makapag-react. Hahaha 

Ang saya saya ko ngayon. 

"Nice ah ang galing mo kanina." huh? 

O_o "Ace ikaw pala" medyo tipid kong sabi sa kanya.

"Huwag ka mag-alala, nakipagpalit na ako ng partner." wow hindi ko akalain yun ah. Pero ok na din yung ganun.

Bale ang makakapartner ko ay yung partner ni Leila. Alam ko magaling yun magbasketball e. Haha ayos nakakachallenge naman.

"Si Loyd ba yun? Wow ayun ba yung babaeng nakapag paibig sa kanya?" nadinig kong sabi ng kaklase ko. Hindi ko naman din sadya na makinig pero nadinig ko lahat. Napatingin ako sa pinag-uusapan nila.

"Wow kainggit naman. Bagay sila ano? Nababasa ko kasi ang mga post ni Loyd friends kami sa fb e." nakita ng dalawang mata ko. Si Loyd yabang, yung malakas mangtrip, at epal na lalaki, may kasamang magandang babae. Hindi ko alam pero parang may kumurot sa puso ko.

Shet! Anong nangyayari sa akin? Napatalikod ako bigla baka makita ako ni Loyd. Shemay talaga! Bakit parang umiiwas ako? Ano bang nangyayari sa akin? Bwiset na pakiramdam 'to.

"Liya, ok ka lang? Parang pinagpapawisan ka." tanong ng kaklase ko na kanina ay si Loyd ang topic.

Tumango ako at sinabi na dahil lang sa pagod kung bakit ako pinagpapawisan pero ang totoo, inaatake na naman ako ng pagkatakot ko. Ang lakas lakas ng tibok ng puso ko ngayon. Parang may kung ano sa tyan ko na hindi ako mapakali. Uunahan ko na kayo hindi ako natatae. Hay. 

Bakit ganoon? Trip lang ba talaga niya ako? Tinanong niya ako kung pwede ba siyang manligaw *heart beats fast* he even said yung word na mahal niya ako *still beating fast*. SHT joke lang ba yun?! Nakita ko pa nga na umiyak siya e. Tapos may nililigawan agad na iba? *narealize ang mga pinag-iisip*

Arrrghhh! *tayo at lapit sa may pader sabay inuntog ang ulo* 

"Ano bang nangyayari sa akin? Bakit nagiging ganto ako? Bakit yung puso ko bwiset anong nangyayari. Tsk! Hindi ka dapat magkagusto dun. Yuck! Did i just say the word 'gusto'? Hindi pwede. Bawal" *pabulong na sabi at inuntog ulit*

"Aw" napalakas ata. Nakahawak tuloy ako ngayon sa ulo ko. *sandal ng ulo at nakaharap sa pader*

Can't Be In Love [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon