Chapter 21

16 0 0
                                    

Chapter 21

Kumalat sa buong school kung gaano kasarap ang aking gawa. Mwahahaha!

Charot lang po. Sa buong building lang. Kaya ayun palagi akong puyat :D

Joke ulit minsan lang naman. Medyo mahina nga ang benta e. Paano mga busy ang mga tao lalot magpapasko na.

Pati nga sa room e mga busy kaklase ko. Lalo na sina Mary. Hay tinry ko tawagan si bestie pero naku patay ang phone ng loka. Hmp! Nakakatamad naman.

*phone alarming*

Huh??

*tingin sa cellphone*

SHOOT! Oo nga pala. Yung order ni toot. Ayoko siya pangalanan kasi nakakainis siya kaya dapat lang sa kanya ang toooot! 

Wala na namang ginagawa masyado sa school parang tambay tambay na lang. Namove na din yung prelim namin sa P.E sa Enero bwahahah!!

Napagpasyahan ko na lang umuwi. Kaso sa kamalas-malasan ko nga naman oh nakasalubong ko si toot at si Macy. Parang nahiya ako. Gusto kong bumalik na lang at umiba ng way kaso baka mahalata ako. Aba! I gather all my confidence at taas noo akong dumaan. HA! Dinaanan ko lang si toot. Ang galing ko. I’m proud of myself putek! 

*swooooosh*

OH SHIT! Ano ‘to! Amp loko yung nagmamanehong yun ah!

“BWISEEEEEET!” galit na galit ako. Napaka! Center of attraction ako ngayon. Natatawa pa yung iba. Nakakahiya sa part ko. Huhuhu. Tae lang ang swerte ko talaga.

“Uy ok ka lang?” isang mala-anghel na boses mula sa likod ko/ ow si Macy pala.

Nagpakawala lang ako ng isang ngiti at ok sign.

“Keribels lang sige bye bye” nakakahiya itsura ko. Hay! Naligo sa putik. Great!

“Liya, may extra shirt ako sa bag.” Napahinto ako sa nadinig kong boses. Oh my! 

Dugdugdugdugd. Ito na naman.

“Pauwi na din naman ako e ayos lang to.” malumanay kong sagot ng hindi humaharap sa kanya.

“Kaya mo magcommute ng ganyan? Malayo pa ang ibabyahe mo?” okay ma point siya pero sa thought na isusuot ko ang shirt niya? Parang sasabog ang puso ko. Yuck i’m so corny but it feels good and also uncomfortable in some point. Ang gulo ko talaga.

Can't Be In Love [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon