Chapter 9

10 0 0
                                    

Chapter 9

Tumango lang ako bilang sign na ok lang ako.

Sabay-sabay kaming tatlo nila Ace at Leila na bumalik ng room.

Humiwalay na sa amin yung dalawa. Pagdating namin sa room eh inantay nalang namin yung prof. Last subject na din naman namin 'to.

"Oy may problema na naman ba Liya?" si Ace. Umiling na lang ako at ngumiti.

"Sure? Nagtext kasi si Loyd e tinatanong ka sa akin." si yabang. Tsss. Hindi ko talaga makuha kung ano ang iniisip nun. Halos tuwang-tuwa ipahiya ako tapos kanina alalang-alala. Opo si yabang nga po.

*flashback ng mga 15minutes XD*

"Are you okay?" alalang-alala yung mukha niya. Medyo nagbuffer pa yung utak ko ng ilang segundo bago ako sumagot.

"Ha? ... Ah oo bakit?" tanong ko na medyo lutang pa.

"Akala ko kung ano na nangyari sa'yo e. Napansin ko na lang hindi ka namin kasabay. Nandoon na nga kami sa COP (College of Psychology: malapit kasi yun sa building ng Business Management. Meaning, katabi po ng college nila Liya.) buti nakita kita agad dito." hinanap niya ako? Naguguluhan talaga ako dito. Inaya na niya ako pumunta kina Leila kasi inaantay nila kami.

*end of flashback*

Di ba? Ang gulo? Baka tinopak lang 'yon ano? Hahaha.

"Ok lang. Wag niyo akong alalahanin." bigla kong naisip si bestie at tinext siya. Sabi ko miss ko na siya. Hindi nagreply baka sleeping beauty ang peg nun.

Umayos na kami nung dumating yung prof kaso may i-aannounce lang daw siya. Magkakaroon daw ang college namin ng General Assembly. Parang mag-gagather yung mga freshman pati seniors dito sa College namin (Business Management) parang team building ganun tapos may Acquaintance Party daw sa gabi. Bale maghapon or should I say mag-gabi. HAHAHA! joke yon! Tawa kayo -.- tss hindi niyo ba nagets?? Kasi ganto explain ko. Kapag maghapon di ba mula umaga hanggang hapon. Tapos nag joke ako ng mag-gabi kasi mula umaga yun hanggang gabi. Hnmmmp! Oo na corny na. :/ NEVERMIND! xD Ngayong weekend daw yun.

Kinausap ako ni Leila after umalis ng prof. Sabi niya, sasagutin na daw niya si Ace sa Acquaintance party. Oo nga pala. Ilang linggo nang nanliligaw si Ace kay Leila. Gusto niyo bang malaman kung ano mga tinuro ko kay Ace sa panliligaw kay Leila? Hahahaha. Wag naaaaaa. Basta! Hahaha joke lang hindi ko naman tinuruan si Ace e nagbigay lang ako ng advice para sa panliligaw niya kay Leila. :D

Kinontsaba pa nga ako ni Leila e. Alam niyo kung ano? Secret haha! Nagpapatulong siya sa akin kakausapin namin yung president na responsible doon sa General Assembly. Pero yung pagsagot niya kay Ace e sa evening event daw doon sa Acquaintance. Wala pa naman sana akong balak umattend. Sobrang excited si Leila. Nung uwian nga e hindi na ako sasabay. Kinausap ko na si Ace pero pinipilit niya na sumabay pa din ako gawa ng kasama din naman si Clay sa sasakyan. Kaso ayoko talaga nakakahiya na kasi tsaka nahihiya ako sa future girlfriend niya. Hahaha.

Can't Be In Love [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon