Chapter 30
Nagising ako sa mahimbing na pagkakatulog dahil ginising ako ni papa. Talagang nagpagising ako kasi nga mantika ako matulog. Handa na ang mga gamit ko at ako na lang ang hindi.
May usapan din na sa sasakyan na kami ni Ace sasakay. Masyado pang maaga pero mas mabuti na yun. Baka maiwanan pa ako.
Biglang may kung ano akong kakaibang naramdaman sa tiyan ko. Naalala ko kasi yung sa sulat na binigay sa akin. Ngayong araw yun. Kinakabahan ako na naeexcite. Mahirap i-explain.
Tapos yung sinabi pa sa akin ni Loyd na sumama daw ako. Waaaaaaa! Ang lakas talaga ng kutob ko na siya yun e.
Nagmadali ako ng madinig ko ang busina sa labas namin.
Nakafit na maong ako at tshirt na medyo loose ng kaunti sa akin. Kulay light blue na may design na star haha. Kung ano na lang mahugot ko sa drawer ko XD. Naka-sneakers ako na black and white.
"Bagal ah di lang naman ikaw ang susunduin." Bwiset 'to kakasakay ko lang e. Nakita kong si Clay ang nasa driver's seat himala.
Dinilaan ko lang si Ace at umupo. Nandito siya nakaupo sa likod kung saan din ako nakaupo.
Sinundo din si Leila. Wooooah ngayon ko na lang ulit siya nakasama dito sa sasakyan. Sa harap siya umupo. Nginitian niya lang si Clay. At kay Ace? Wala. Hindi man lang niya nilingon ito. At syempre sa akin din haha. Di kasi kami close :/
Akala ko after kay Leila ay didiretso na sa school kaso mukhang may susunduin pa. Hindi naman si Loyd kasi hindi naman dito way papunta sa kanila. Masyado pang maaga kaya madilim pa at hindi ko masyado makita yun nasa labas.
Hininto ni Clay ang kotse at mukhang may hinihintay kami.
"Sorry ah may naiwan pa kasi." Alerto akong napalingon. PUTEK SI LOYYYYYD!!!! Napatingin sa akin si Loyd at nahalata niya ata yung pagkagulat ko. Tae naman.
Umusog ako pagitna sa upuan. Nasa dulo kasi ako malapit sa pinto ng kotse. NABUANG NA NAMAN ATA AKO. TSK.
Pinilit ko tumingin sa harap sa daan at inililipat doon ang focus ko. Kaso parang wa epek e. Nakatingin nga ako sa harap pero aware na aware ako sa bawat galaw ni Loyd. Grrrrr.
Mula nung maupo siya kainissssss! Kahit nakatingin na ako sa harap naaninag ko pa dib siya sa gilid ng mata ko kaazaaaaaar! -.-
Para akong timang. Awwwww tsk parang may langgam na kumagat sa paa ko buseeeet! Ayokong gumalaw kasi nahihiya ako. Bwisit kang langgam ka. Awwww! Aba ah di ka pa nakuntento sa pagkagat mo sa akin ah. Hmmmmmp! Pinipi ko siya gamit ang pagdiin ng sakong ko paatras. Mamatay ka ng langgam ka.
Araaaay tsk buset T.T buhay pa din. Hindi na ako mapakali gusto ko ng kamutin.
Umisip ako ng paraan kung paano makakamot.
AHA! ALAM KO NA.
:)))))
Kunwari inaayos ko yung sintas ko. Pero pasimple ko ng kinakamot yun sa kinagatan ng langgam wahahaha. Aba pag sinuswerte ka nga naman ohh. Nakuha ko yung langgam. Pinirat ko nga -.- asar e.
Masyado namang tahimik.
"Clay patugtog ka nga ang tahimik kasi inaantok ako." Sabi ko sa kanya sabay kalabit sa balikat niya.
Nagpatugtog naman siya. Kaso epal lang nakakaantok yung tunog masyadong mabagal :/
Sumandal na lang ako at akap ko ang bag ko na nakapatong sa lap ko. Medyo mahaba pa naman konti ang byahe kaya pumikit muna ako.
BINABASA MO ANG
Can't Be In Love [ONGOING]
RomanceSi Aliya ay isang simpleng babae na masayahin, mabait at alam lahat ng romantic movies at kung anu-ano pang tungkol sa love. Ano kaya ang mangyayari kung matagpuan niya ang lalaking magmamahal sa kanya? Magiging success at nakakakilig kaya ang love...