Chapter 18

8 0 0
                                    

Chapter 18

Tsk! Akala ko pa naman wala na siya. Hay.

"Liya, harapin mo naman ako oh. Mag-usap tayo." sabi niya na parang nagsusumamo ang boses. Asa ka pa Ace.

"Wala naman dapat pag-usapan ah? Umuwi ka na lang kasi wala ka lang mapapala." hindi ko siya nililingon. Patigasan 'to dre. Pinagsarhan ko nga ng gate. Naiinis ako.

"Liya sorry!" ewan ko sa'yo! Sorry sorry mo mukha mo. Pagsasarhan ko na sana siya ng gate pero humarang ang kumag.

"Ano ba? Alis diyan." sabi ko na walang emosyon.

"Liya sorry. Sorry na please!" sorry siya ng sorry. Nainis na ko.

"Bakit ka ba nagsosorry?" inis kong tanong.

"Sorry sa nagawa ko." tss whatever. Sinarhan ko na siya at pumasok ako sa loob. Nagkulong lang ako sa kwarto nun at nangungulila ako kay mama. Akap akap ko ang unan ko at iniisip ang mama ko.

Ilang araw din ako absent kaya ngayon naghahabol ako ng mga lessons. Nagpapaturo ako kay Mary ngayon.

Biglang natigil yung pagtuturo niya sa akin kasi tumatawag na yung mama niya.

"Paano ba yan Liya, kailangan ko ng umuwi. Pasensya ka na ah. Bukas na lang ulit." tumango ako at nagpasalamat sa kanya. Nauna na siyang umalis gawa ng nagmamadali siya. Naiwan ako dito mag-isa.

Can't Be In Love [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon