Chapter 35
"Pwede na ba 'to?" Nakakapagod tong ginagawa ko. Ang sakit na ng mata ko. Puro powerpoint ang pinapagawa sa akin ni Harhar.
"Dalian mo nga diyan. Ito pa oh." May mga papel pa siya na binigay sa akin. Babasahin ko pa to bago ko gawan ng powerpoint.
"Kung alam ko lang na ganito ang kapalit sana kay papa ko na lang pinaalis yung salagubang! Ahh." Nakahawak na ako sa ulo ko.
"Hindi mo na maibabalik ang nakaraan."
Aha! Bahala siya hindi ko na ii-scan to. *evil smirk*
"Hey Lili, ayusin mo yan ah." Pshhh sabi ko nga.
"Ahhhhhhh kapagooooood" sinamaan ko ng tingin si Harhar na nakatalikod at sinamaan ko ng tingin ang mga papel na naglalaman ng mga topic na gagawan ko ng ppt.
Sa inis ko sinuntok ko yun mga papel.
"Awwwwww" kahoy nga pa tong pinagpapatungan. Hmp
*after 6 hours*
*snores*
Naalimpungatan ako sa ibon na humuhuni.
"Umaga na pala? Nakatulugan ko?" Nang bumangon ako ay wala na yung laptop at mga papers sa table ko.
"Harhar?" Kinakatok ko siya sa kwarto niya.
Nung bumukas ang pinto ay nakabihis na siya.
"I have a meeting today." Paalis na siya para bumaba ng huminto siya. "And oh! Since you finished all my report, I'll treat you when I go home."
"Shoooocks haaaar-" yayakapin ko sana siya kaso hinarang niya yung kamay sa mukha ko. Hindi ako hinayaang makalapit sa kanya.
"Eww you have muta and panis na laway pa. Go wash. I don't want to smell like a panis na laway."
KAPAL MUKS! PANIRA NG UMAGA. Napaka talaga.
----------------
On the way na ako papunta sa mall. Magkikita muli kami ng aking bestfriend. Sobrang namimiss ko na siya. T.T
Napag-usapan namin na magkita sa isang ice cream parlor. Habang naglalakad ako ay nagtitingin-tingin ako ng kung anu-ano at may biglang nahagip ang mata ko. Parang nakita ko si Clay.
Si Clay nga 'yun ma-kamusta nga.
*Cellphone ringing*
"Hello?.... Ah oo papunta na... Sige byeee"
Nakita kong kumaway si bestie kaya kumaway din ako. Parang mga shunga lang. Haha.
"Huuuuuuy namiss kita"dahan dahan kong hinawakan ang tiyan niya para pakiramdaman si inaanak.
"Ang tagal mo ha? Congrats bestie Liya nag level up ka na. Yieee. I'm so proud. Dahil diyan, ako ang taya."
"Echusera ka ikaw naman talaga manlilibre no!"
"Tss. Oo na. Pero ang saya saya ko for you. Ihhhh! Kayo na ba ni papa Loyd?" Nanlaki ang mata ko sa gulat.
"Hoy hindi pa ah! Grabe ka syempre kinikilala ko pang mabuti yung tao no. Wag ka nga." Peste kinikilig ako hahahaha. Hirap naman pigilan yung ngiti.
"Asuuus yang ngiti mo ha? Bakit? Pwede naman kilalanin habang kayo na ah? Ay nako. Sagutin mo na nang makapag double date naman tayo."Double date? Waaaaa. Ano kaya mangyayari kapag nag-double date kami.
BINABASA MO ANG
Can't Be In Love [ONGOING]
Storie d'amoreSi Aliya ay isang simpleng babae na masayahin, mabait at alam lahat ng romantic movies at kung anu-ano pang tungkol sa love. Ano kaya ang mangyayari kung matagpuan niya ang lalaking magmamahal sa kanya? Magiging success at nakakakilig kaya ang love...