Chapter 33
"Antooook na ako." Napaub-ob na lang ako sa study table ko. Hays. Ilang week na rin akong ganito. Busyyy. Hindi na ko nakakapunta sa aking bestfriend. Kumusta na kaya siya? Palagi na lang akong puyat.
"Lili, i got something for you." May nilagay siya sa study table ko, agad naman akong napatingin para tignan kung ano 'yon.
Isang box.. ISANG BOX NG J.CO DONUTSS!!
"Nanlalaki ang mata oh!! Akin yan, iniinggit lang kita." biglang bawi ng box. Loko talaga 'to. Ang bango gutom na ako.
"Napakadami niyan! Hindi mo yan kayang ubusin penge!!" Hindi naman umangal si Harhar. Kumain ako ng kumain. Grabeeee! Stress reliever to. Saraaaaap!
Nang mabusog ako, pinaalis ko na siya sa kwarto ko at tinuloy ko ang paggawa ko ng project ko. Ilang minuto ang lumipas, tinamaan na ako ng katamaran. Kaya naisipan ko muna magbukas ng aking Facebook. Scroll lang ako ng scroll nang may makita akong post ni Ace.
Picture nilang pamilya. Ang cute talaga ni Luisa. Hihi....
Nalungkot ako bigla, buti pa sila may fam pic na kasama mama nila. Ako, wala na. Hindi na muli pang magkakaroon noon kasi nasa langit na si mama.
Nandito ako ngayon sa labas ng bahay namin. Nakatingin sa langit. Pinagmamasdan ang mga bituin. Nawalan na ako ng gana ituloy yung project na ginagawa ko, bukas na lang siguro.
Nakakaiyak isipin na parang kahapon lang kasama ko pa si mama. Talagang napakabilis ng pangyayari. Life is too short ika nga.
Narealize ko na dapat wag natin i-take for granted yung mga taong nasa paligid natin na minamahal tayo. Akala ko palagi lang nandiyan si mama hanggang sa tumanda ako. Hindi ko man lang siya nasabihan ng 'i love you' kasi parang ang corny. Naiinis pa ako minsan kapag paulit-ulit si mama sa pagpapaalala sa akin ng mga bagay-bagay. Ngayon namimiss ko lahat yun. Parang okay lang sa akin na pagalitan ako ni mama at utusan wag lang siya mawala. Sana may time machine para makabalik ako sa panahon na nandito pa si mama para naipakita ko sa kanya na mahal ko siya.
Hindi ko napansin na barado na ang ilong ko kakaiyak. Feeling ko sobrang mugto na ng mata ko.
Tumingin muli ako sa langit.
"Magmula bukas, pahahalagahan ko na ang mga taong pinapahalagahan ako. Pinapangako ko na hindi na ako matatakot magmahal. Philophobia sus! May mga bagay na kailangan bigyan ng pansin at halaga kaysa sa phobia ko. Dahil dito nalimitahan yun kakayahan ko na magmahal. Kaya ko 'to"
Masyado ng late. Nakakatakot na sa labas kaya dali dali akong tumakbo papunta sa kwarto.
---------------------
Pagkagising ko humarap ako sa salamin. Ngumiti at sinabing "Kaya ko 'to"
I texted my bestie a very long and madramang good morning text. Hehehe.
Naghilamos muna ako at naligo. Huminga muna ako ng malalim at saka lumabas ng kwarto.
Nakasalubong ko si Harhar na naka-ayos na rin.
"Uy Har! Salamat sa donut kagabi ah. Mamaya ulit. Hahaha"
"Anong nakain mo?" gulat na sambit niya.
Nginitian ko lang siya at bumaba na. Niyakap ko si papa at kinarga ko si bunso.
Ang sarap ng kain ko. "Wow pa! Ikaw po nagluto nito? Sarap ah."
"Yan din kaya yung kagabi ininit ko lang."
"Tito ang weird niya." Sabi ni Harhar kay papa.
BINABASA MO ANG
Can't Be In Love [ONGOING]
RomanceSi Aliya ay isang simpleng babae na masayahin, mabait at alam lahat ng romantic movies at kung anu-ano pang tungkol sa love. Ano kaya ang mangyayari kung matagpuan niya ang lalaking magmamahal sa kanya? Magiging success at nakakakilig kaya ang love...