Chapter 14

10 0 0
                                    

Chapter 14

Bumukas yung pintuan sa harap. Nagulat kami kasi hindi siya si Ace...

Hindi siya yung Ace na kilala ko.

"Bakit lasing yan??" gulat na tanong ni Clay.

Halos ako din e nagulat. Bakit nagpakalasing yan? E ang alam ko hindi naman umiinom yan. Tsk tsk.

Tinulungan ni Loyd at Clay na ilipat si Ace sa likod. Waaa amoy alak.

"Pwede diyan ako sa harap?" bwisit kasi si Loyd at Clay na yun porket sila daw nagtulong para ilagay dito si Ace kaya ako daw magtiyaga sa amoy nito. Hindi sa maarte ako pero kasi talaga amoy na amoy. Hindi pa naman ako sanay gawa din na hindi ako umiinom. Si Loyd ang magmamaneho.

"Ace wag ka nga lumapit ang baho mo!" siksik na siksik na ko sa dulo kasi e gumegewang yung ulo.

"Nahihilo ako. Amp! Umiikot yung bintana." Shunga! Epekto ng pagkalasing yan.

"Pag ako nasukahan nito papahid ko sa inyo!" tawa lang sila ng tawa. Nakakainis!!

"ACE ANO BA!" putek na yan. Ang layo ko na nga e humiga pa sa hita ko. Inalis ko yung ulo niya sa hita ko. "Ang baho mo yuck ka Ace"

Bwisit pinagtatawanan ako pag untugin ko kayong dalawa sa harap e makita niyo. Argggh!

"Mabaho?! SHINO?" putik.

*takip ng ilong* "Ace hininga mo ang baho!"

"Oy Liya! Kapal mo diyan nag toothbrusssshh naman ako ah" eeewww nilalapit pa yung mukha sa akin.

"Liya, pagpasensyahan mo na yang si Ace haha."

"Hindi na ako makapagpigil masasapak ko na 'to." sabi ko.

"Shabi kashi ni Leila. Dapat marunong daw ako uminom. Aww sakit ng ulo ko nahihilo ako." ha??? Yung totoo? Bad influence pa ata si Leila e.

"ANOO?!" gulat na tanong namin kay Ace.

"Alam mo Ace hindi mo naman dapat gawin yung mga ganyan e. Hindi naman mahalaga yun sa isang relasyon na marunong uminom. Tsaka may sarili kang isip Ace, bakit kailangan mo sundin yung mga ganoong bagay?" grabe lang parang ewan.

"E kasi yun ang gusto niya." anong klaseng sagot yan??

Can't Be In Love [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon