Chapter 17
Naiinis ako sa kanilang dalawa. Tsss. Buti at dumating si mam para maglesson at mabubusy ang utak ko sa dalawang nakakainis na yun. Matapos mgdiscuss ay uuwi na ako agad.
"Hindi ka man lang ba magsosorry sa kanya?" napatigil ako. Oo ako ang kausap ni Ace. Alam ko din halos lahat nakatingin sa kung ano ang gagawin ko.
"Ace, tama na uhmm. Hindi naman niya kailangang magsorry sa akin e" DAPAT LANG!!!
"Hindi pwede yun. LIYA" wow ha. Hinarap ko sila.
"Tama si Leila, hindi ko naman talaga kailangan magsorry sa kanya. At wala akong ikaka-sorry sa ginawa ko." kitams gulat ang reaksyon ni Leila. Ha! Mukha mo. Akala mo magsosorry ako? ASA!
"LIYA SUMOSOBRA KA NA" ako pa daw?
"WOW ACE! Wag kang magsalita na parang alam mo lahat!" naiinis na ko.
Parang mas lalong nag-iba ang mukha niya. This time super serious na siya. "Liya..." tinatakot niya ba ko? Better luck next time. Hindi effective e. "better say sorry dito kay Leila. You're makin' me disappointed" konti na lang pipitik na ko sa galit.
"Sino ka ba para pagsabihan ako ng ganyan? Wala kang alam Ace kaya wag kang magmagaling. Wala akong pake kung madisappoint ka. Im not doing anything para magpaimpress." with that, I take a deep breath and walk away. Nakakainis lang.
Pagod na pagod na ako. Wala pa akong tulog mula kahapon. Tapos hindi pa ako kumaen gawa ng wala akong gana. Pinilit ko na makauwi at makatulog ng saglit para makabawi ng lakas. Hindi na lang muna ako pumasok kasi tutulong ako sa pag-aasikaso dito. Sa makalawa na kasi yung libing. Halos tuwing nandito ako, wala akong ginawa kung hindi umiyak. Nagulat nga ako kasi pumunta dito si Mary. Nakilamay saglit tapos binigay sa akin yung notes. Pinasabi ko na lang kay Mary na ipagpaalam ako.
Lumipas ang mga araw at ito na. Matapos sa simbahan, papunta na kami doon sa may memorial. Umiiyak pa din. Nangangarap na sana panaginip lang 'to. Na sana pwede pang ibalik yung nakaraan.
Wala na si mama :( ang hirap hirap para sa amin na ganito. Biglaan kasi. Bale ba kung namatay siya sa sakit mas madaling matanggap yun. Pero yung ganito? Shet lang parang ang hirap na magmove on ba wala na si mama na puro utos, yung gumigising sa akin. Hay. Nahihirapan akong bumalik sa dati.
May pasok pa ako bukas. Mahirap din kasi na madaming absent.
Kinabukasan mas lalong namugto ang mata ko. Bago kasi ako umalis sa bahay napaiyak na naman ako. Nagsuot ako ng black na salamin para hindi halata. Medyo late na pala ako. Ayan na naman ang mga tingin ng mga tao.
BINABASA MO ANG
Can't Be In Love [ONGOING]
عاطفيةSi Aliya ay isang simpleng babae na masayahin, mabait at alam lahat ng romantic movies at kung anu-ano pang tungkol sa love. Ano kaya ang mangyayari kung matagpuan niya ang lalaking magmamahal sa kanya? Magiging success at nakakakilig kaya ang love...