Chapter 8

11 0 0
                                    

Chapter 8

Nagulantang ako sa sinabi ni Loyd yabang. Gulat din si Ace, Leila pati si Clay. Grabe! Make him my boyfriend? Why all of a sudden? Ano na namang trip 'tong ginagawa niya. This isn't funny -.- tsss. Buti na lang at walang masyadong tao dito sa lugar kung nasaan kami.

"Ano? Hibang ka na ba? Naririnig mo ba yang mga sinasabi mo?!" tapos naging seryoso siya tapos tumawa ng fake.

"Hahaha naniwala ka naman? Asa ka naman! Im just making fun of you 'no?" wow! Ganun ba talaga? Ganun lang ba ako kadaling lokohin at kadaling pagtripan?

"Alam ko. Happy? I hope this made your day. Making fun of me huh?" how pathetic! Bwisiiiiit! Napkayabang mong lalaki ka. Nasasaktan din naman ako. Harap harapan akong pinagtitripan. Grabeee! Nahihiya ako para sa sarili ko. Wala si bestie ko. Wala akong mapagbubuhusan ng sama ng loob. I need to be strong from those boys na walang ginawa kung hindi manakit, mangtrip at manloko ng babae. I hate you all!

"Diyan ka naman magaling ang mangtrip. Hindi porke famous ka dito, ganun ganun nalang kadali sayo ang mamahiya ng tao. I have feelings too. Well, you can't take back the words that you said. Either nakapagpasaya ka o nakasakit ka sa sinabi mo. Isa pa, hindi tayo close para basta mo lang pagtripan." tsaka ko siya ulit iniwan nang nakatulala. Yeah two times.

Bago pa ko makalayo tumigil ako at nilingon ko siya. May nakalimutan pa kasi akong sabihin. "Oo nga pala, just a piece of advice lang. Ingat ingatan mo ang mga sasabihin mo sa iba. Think about it first nang hindi na madagdagan ang kagaya kong galit sayo." tsaka ako nagdire-diretso lakad. Narealize ko na hindi pala dito ang way sa room ko. Kaso nakakahiya naman bumalik baka makita nila ako. Kaya umikot pa ko ng pagkalayo-layo para lang makarating sa room.

"Uy Liya? Saan ka ba galing? Nauna ka pa sa amin umalis ah. Bakit ngayon ka lang dumating?" ha! Tae ka Ace! Alangan namang sabihin kong namali ako ng daan kanina kaya umikot pa ako. Never! Hahaha alam ko na.

"Ha? Ah kasi may dinaanan pa ako sa ibang room tapos nag cr ako" naniwala naman wahaha.

Hindi na namin napag-usapan yung kanina. Mabuti nalang din yun.

[lunchbreak]

Nagtatayuan na sila. Yung iba naman dito kakaen sa room. Nakita ko ng lumapit si Leila. "Liya, tara na sa canteen" naaninag ko na si Loyd sa labas. Ganyan kasi kapag kasama naming kakain yan inaantay kami or should I say na inaantay si Ace. Kasi nga diba sila yung close at magkaibigan.

"Ah sige susunod nalang ako may tinatapos pa kasi ako" tapos kapag nasa canteen na sila tsaka ako magtetext para sabihin na hindi ako makakasabay. Ang galing ko talaga hahaha!

Napahawak ako sa tiyan ko. Gutom na akooo huhu. Isa lang naman kasi ang canteen dito sa loob ng school e. Tss nasa labas na yung iba. Ayoko naman sa canteen kasi panigurado kapag nakita nila ako aayain ako doon hmp! Lalabas na nga lang ako. Tinext ko si Leila na kumain na sila kasi sa labas ako kakain. Iniwan ko na cellphone ko. Dagdag bitbitin pa e. Hahaha XD

Can't Be In Love [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon