"Eunice!"
I saw a familiar face when I came to. Nasapo ko agad ang leeg kasabay ng marahas na pagsinghap pagkaalala sa nangyari, ang lamig ng sahig ay ramdam ko sa likod.
"You're awake. Are you sober now?"
Kumunot ang noo ko habang humahapong nakatulala sa kisame. Mabilis ang pintig ng puso ko at damang-dama ko pa rin ang pagsakal sa akin ng lalaki kanina.
"Sa lahat talaga ng lugar, dito sa sahig mo pa naisip na umidlip?"
Sa kabila ng kalituhan ay tila natauhan ako nang makarinig ng mahinang halakhak. Pagkalingon sa gilid ay tumunghay sa akin si Cedric. Nakakrus ang mga binti niyang nakaupo siya sa sahig, doon sa gilid ko habang tamad na nakapangalumbaba. Ang multo ng ngiti sa mga labi niya'y naiwan pa mula sa pagtawa.
Wala sa oras akong napabangon mula sa pagkakahiga at agad napasapo ng noo nang muling makaramdam ng hilo. Naitukod ko ang isang kamay sa sahig matapos. The empty premise of the hallway was stretching in front of me.
What the hell happened?
Huling naaalala ko'y sinasakal ako ng lalaking nagtangka sa akin. Nasaan siya? At, "Bakit ka narito?" wala sa sarili ko iyong naibulalas.
"Ayaw mo bang narito ako?" Ang panunuya ay bakas sa boses niya.
Sinuklay ko ng daliri ang buhok bago siya tuluyang binalingan. Pareho kaming nanatiling nakaupo sa sahig, sa malayong dulo at may kadilimang parte ng hallway.
"Anong nangyari?"
Imbes na sumagot ay pinagmasdan lamang niya ako, ang parehong multo ng ngisi ay naiwan pa sa mga labi.
"Cedric, why did I pass out here?" At nasaan ang lalaking humahabol sa akin kanina?
Sumeryosong bigla ang ekspresyon niya at halos kilabutan ako sa lamig ng boses niya pagkasabi nito, "Because you're drunk, Eunice. Ano bang naaalala mo?"
Hindi ako nakasagot agad. Maybe he was right? That I was just drunk and... what the hell, am I seeing things? Or did that really happen?
"So you're getting back with Terrence?" aniya sa mas malamig na tinig.
Muli, hindi ako nakahanap ng mga tamang salita. Hinayaan kong mamayani ang katahimikan sa pagitan namin ng mahabang sandali.
Unti-unti nang kumakalma ang mabigat kong paghinga nang maramdaman ko ang pagdampi ng daliri niya sa mukha ko. Natitigilan, ipinaling ko sa kaniya ang atensyon matapos niyang sikupin ang takas na buhok sa likod ng tainga ko.
Hindi ko naintindihan ang bahid ng ngisi sa mga labi niya habang nakatingin sa kawalan.
"Si Terrence lang ba talaga ang kailangang magbago rito... o pati ikaw?"
Nang bumagsak sa akin ang mabibigat niyang mga mata ay muli kong naramdaman ang dahan-dahang pagbilis ng takbo ng puso ko. Lalo na nang hinaplos niya ang pisngi ko pababa sa gilid ng leeg.
Dumulas bigla ang palad niya patungong batok ko at mabilis akong kinabig mula ro'n palapit. Tanging mahinang singhap na lamang ang nagawa ko sa ilang pulgadang natirang distansya sa pagitan ng mga mukha namin. Ang bigat ng bawat paghinga niya'y malinaw sa pandinig ko, tulad ng sa akin.
We held each other's gaze like that for a long time yet his expression remained unreadable.
"Timbangin mong mabuti, Eunice."
Lumunok ako nang maramdaman ang pagdampi ng mainit niyang hininga sa balat ko.
I was this close to losing myself in his eyes when I heard a voice calling out to me. Quickly, I was snapped out of my reverie.
BINABASA MO ANG
The Other 'I'
General FictionFed-up with Terrence's cheating on their more than a year relationship, Eunice decided to cool things off between them -- for she can't find the courage to end it in the midst of her indecision and overwhelming emotions. But as she struggled to try...