"Something wrong?" Bahagyang kumunot ang noo niya nang mahanap ang mga mata ko.
Sumulyap ako sa mukha niya bago marahang umiling. I couldn't take my eyes off his clothes... the same way I couldn't get rid of the image of the guy I saw at the diner... and the guy just a while ago.
"Uh... good morning? Any plans for today?" tanong niya nang manatili akong tahimik.
"Not sure." Sinubukan ko siyang bigyan ng ngiti. "Ang aga mo yatang gumising?"
Balewala siyang nagkibit-balikat. "Thought you'd be here to look for that." Sabay tango sa direksyon ng hawak kong pares ng flip-flops.
Something about it made me feel uneasy. Hindi ko lang sigurado kung saang eksaktong parte ro'n.
"Kumain ka na ba? Gusto mong—"
"No thanks, I'm fine. I need... I need to go back," mabilis kong putol.
Kita ko ang kaunting pagkakatigil niya. Ngunit hindi na rin naman nakipagtalo nang dahan-dahang tumango, naiwan pa sa akin ang may bahid ng pagtatakang tingin.
"Alright." He shoved both hands on his pockets. "See you around?"
Bago ko umpisahan ang paglakad paalis ay muli ko siyang binigyan nang magaang ngiti. Ngunit hindi ko iyon kinayang panatilihin nang talikuran ko siya. Sinukuan ko na lamang ang paghahanap sa summer hat nang umalis ako ro'n.
Tuluyan nang sumikat ang araw pagkabalik ko sa villa. Matapos isa-isang magising ng apat ay sabay-sabay na kaming nag-breakfast. We'd decided to do island hopping right after.
Suot ko ang bikini sa ilalim ng puting off shoulder flowy dress. Si Dina naman ay ipinailalim iyon sa suot na sweetheart black tank top at maong shorts. The guys all wore board shorts and tank tops, aside from Mike who was wearing a shirt.
Nasa pangatlong isla na kami nang mamataan ni Cali ang grupo nina Cedric. Apat na lalaki ang mga ito, kasama ang Jon na nakita ko kagabi sa dalampasigan. Kasabay ng ilang taong naglalakad, pasalubong sa kinaroroonan namin ang tinutungong daan ng mga ito. These guys were probably his bandmates.
"Pre," bati ni Cali pagkatango.
Matapos tumangong pabalik ni Cedric ay lumipad patungo sa akin ang tingin niya. Ngunit mabilis din iyong naligaw nang isa-isa niyang pinakilala ang mga kasama sa amin. The exchanged of greetings and introductions were followed by brief casual chitchats.
"Saan kayo?"
Until their group ended up joining us from island hopping. Magugulo at maiingay ang mga ito at panay ang asaran. Cali on the other hand, hook up with some random girl he met on one of the islands we'd been. Ang isa pang kaibigan ng babae ay nakita kong kausap si Terrence. The two eventually ended up tagging along with us too.
"Pasensya na sa mga ungas ah. Wala talagang modo ang mga 'yan." Isang lingon at natagpuan ko si Cedric sa tabi ng kinatatayuan ko. May bahid ng hapyaw na ngisi ang mga labi niya habang abala sa pagtingin-tingin ng mga shirt sa stand na nasa tapat namin.
Sumulyap ako sa maiingay niyang mga kaibigan. Tawanan nang tawanan ang mga ito habang nag-aasaran sa kung ano-anung pinagkakatuwaan sa shop.
"It's okay." Bahagya akong tumango at saka nagpatuloy sa ginagawang pagtingin-tingin ng mga damit.
Naaninag ko ang pagsulyap niya sa akin nang maging abala ako ulit. "Are we cool?"
Sandali akong natigilan. Kalaunan ay tuluyan nang nag-angat ng tingin sa kaniya. He stopped from what he was doing and meet my gaze. Nagpalitan kami ng tingin.
BINABASA MO ANG
The Other 'I'
General FictionFed-up with Terrence's cheating on their more than a year relationship, Eunice decided to cool things off between them -- for she can't find the courage to end it in the midst of her indecision and overwhelming emotions. But as she struggled to try...