35 : Walk

25 3 0
                                    


"Eunice, ayos ka lang? Anong nangyari?" anito, ang pag-aalala ay naaninag kong bumabalatay sa ekspresyon.

Imbes na magsalita ay inuna kong kalmahin ang paghinga pati nang pagwawala ng dibdib. Napapatalon pa rin ako sa takot dahil sa ilang imaheng nagsusulputan sa paligid kaya't mariin kong ipinikit ang mga mata.

Calm down. Calm... down. It'll be done. It's gone. They're gone. When you open your eyes again, they'll no longer be there. Nothing will be there. You're fine.

"Eunice?"

Sabay nang unti-unti kong pagmulat ng mga mata'y matalim akong napasinghap at napatalon sa kinauupuan—sa imaheng sumulpot at nawala sa harap ng mukha ko pati nang pagdampi ng daliri sa braso ko.

"Sorry! I'm sorry... I won't... I'm not... I'm not gonna do... anything to you... Eunice? May—anong nangyari? Ayos ka lang ba?"

Mabigat pa rin ang paghinga, bahagya kong itinaas ang nanginginig na kamay at umiling sa kaniya. Pikit muli ang mga mata sa takot, I concentrated my thoughts to something else. Something pleasant. Something to calm me down. Ngunit wala akong ibang maisip kundi ang mga imaheng nagsulputan kanina kaya't imbes na kumalma ay muli na namang nabuhay ang dagundong ng dibdib ko. I shivered.

Think of something else! Damn it.

"Eunice..."

"I-I... I'm f-fine. I-I'm okay... o-okay," Nanginig ang boses ko dahil sa pangangatal ng mga labi. I didn't want them to concern themselves with me. I would handle myself. I could handle myself.

"Sigurado ka?" anito sa nag-iingat na tinig. "Natakot ka ba rito kay Jon? Mukha lang 'tong kriminal pero matinong tao naman 'to. 'Wag ka nang matakot..."

"Gago mo, Ced. Anong mukhang kriminal?! Itumba kita, gusto mo?"

"Natakot yata sa mukha mo, pre. Ba't mo kasi hinabol? Natanaw kita, mukha kang cannibal na papatay at mangangain! Ikaw ang gago eh."

"Tarantado, ang dilim pa'no niya makikita mukha ko?!"

Unti-unting naligaw ang mga iniisip ko nang marinig ko ang usapan ng dalawa.

"Aminadong mukhang kriminal?" Tumatawang mukha ni Cedric na naroon nanunuhod sa harap ko ang bumungad sa akin pagkadilat.

"Tangina ka," angil ng lalaki kahit natatawa na rin.

Mabilis ko namang naagaw ang atensyon ni Cedric nang mapansing nasa kaniya ang tingin ko. Tumigil agad siya sa pagtawa at pinagmasdan akong mabuti.

"Ayos ka na?"

Bahagya pa akong nanginginig ngunit wala na ang mga nagsusulputang imahe kaya mabagal akong tumango sa kaniya bilang tugon. I haven't had an episode like that in a while.

Hinawi ko ang buhok palayo sa mukha at huminga nang malalim bago dahan-dahang umahon sa pagkakaupo.

"Sorry, miss..." anang tinawag niyang Jon.

Suminghap ako at mabilis na umiling. "No, no... uh, it's not... it's not because of you." Napasadahan ko ng mga daliri ang noo dahil sa kaunting frustration.

Having Schizophrenia and trying to explain it to anyone was hard. Mahirap dahil baka imbes na maintindihan ay akusahan nila akong baliw o delikado.

"Jon, ako na rito. Baka matakot na naman sa mukha mo."

Pabirong sinapak nito si Cedric bago umalis. Nasundan ko na lamang ito ng tingin nang magbalik sa tapat ng isang resort sa 'di kalayuan. Namataan ko ang ilan pang kasama nila ro'n na nasa loob ng bukas na hut at mukhang nagkakasiyahan.

The Other 'I'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon