11 : Change

28 3 0
                                    


"N-Nagkamali lang ako, s-sorry... hindi na mauulit. Hindi na talaga mauulit!" Malinaw ang iniindang sakit at takot sa daing ng lalaki mula sa malakas na pagtampal ng palad ni Terrence sa ulo niya.

Trembling, his chest was moving up and down as he desperately tried to fill his lungs with air. Through the faint light, the darkness of the room was tinted with nothing but the crimson blood smeared all over his face and Terrence's fist.

"Tayong dalawa lang naman ang narito..."

Dahan-dahan, tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sahig. Walang bakas ng kahit anong emosyon ang mukha ko nang pinulot ko ang nahubad kong button down sa lapag. Inikot ko iyon nang paulit-ulit gamit ang magkabilang kamay, habang diretso ang titig sa puno ng takot na mukha ng lalaki.

Slowly, Terrence move aside to give me way. Magkasabay na napakislot at matalim na suminghap ang lalaki, nang pinalitan ko ang pagtalungko ni Terrence sa harapan niya. Higit ko sa pagitan namin ang blouse kong ngayo'y mahigpit nang napaikot at nagmistulang lubid.

"Opps, not so fast."

"S-Sorr—"

Hindi na niya natapos ang sasabihin nang mamilog ang mga mata, matapos kong walang habas na ipulupot ang blouse na animong tali sa leeg niya. Abot-abut ang takot at tarantang humilamos sa ekspresyon niya. Walang anu-ano'y nagpumiglas siya habang sinusubukang alisin iyon sa leeg.

"Anak ng!—walangyang babae ka! Babayaran naman kita, nagpapakipot ka pa! Magkano ka ba, ha?!"

Sa nanlilisik na mga mata ay mas hinigpitan ko ang paghigit niyon sa kaniya, ang ilang ugat ay umalsa na sa kamay at mga braso ko dahil sa gigil at pwersa.

He started clawing at my arms, desperately trying to break free and gulp air. Ang namumula niyang mga mata'y tumitirik habang pilit pa ring nagpupumiglas. Mula sa mga sugat at bahid ng sariwang dugo sa mukha ay bumakas ang nanggagalaiti niyang ugat. Hindi na ako sigurado kung pagkakawala pa ba ng hangin ang dahilan ng panlilisik ng mga mata niya, o sa iba nang dahilan.

"Pareho tayong mag-e-enjoy... promise 'yan. Kaya 'wag mo na 'kong masyadong pahirapan, okay?"

I couldn't feel anything but the surging grudge struggling to get out from within me, fuelling the tight grip of my hands from the fabric I'd been choking him with.

Ilang beses nagpumiglas ang lalaki ngunit hindi ako tumigil. Hanggang sa unti-unti'y tuluyang tumirik ang mga mata niya at huminto sa paggalaw. Hindi pa rin ako bumitiw. Parang hindi ako nakukuntento. Hindi pa. Sige pa. Kulang pa.

"Mukhang mahal ka nga..."

Hinugot ko ang isang malaking metal clip na nakaipit sa buhok. Sa isang iglap ay natanto ko na lang na inuundayan ko ng saksak ang dibdib niya, sunod-sunod, walang hinto at parang may pinupuno. Ngunit parang hindi pa rin sumasapat. Kaya't mas inilayo ko ang bwelo para mas bumaon ang talim niyon sa laman niya.

Dugo. Nagtalsikan ang mainit at pulang likido mula sa dibdib niya. Sa sahig. Sa mga kamay, braso, damit at mukha ko. Ngunit ni kislot ay walang tugon ang lalaki, tila tuluyan nang tinakasan ng kamalayan... o buhay.

Mabibigat at hinahapong paghinga. Nanlilisik ang mga mata ko ngunit bukod doon, wala nang ibang emosyon ang makikita sa mukha ko. Kaya't saan galing ang luha sa mga pisngi ko?

"Don't!"

Isang bayolenteng lingon at singhap. Natagpuan ko ang sarili. Nakatayo sa malapit. Luhaan. Nanginginig. Umiiling. Halos magmakaawa.

"Stop!"

Namimilog ang mga mata ko pagkamulat. Sandali pa muna akong hindi nakagalaw habang pinakikiramdaman ang sarili. Malakas ang pintig ng puso ko ngunit dahan-dahan iyong kumalma. Mula sa pagkakatulala sa puting kisame ay bumaling ako sa kanan at agad sinalubong ang saradong salaming bintana. Bahagyang nakahawi ang kurtina niyon kaya't tumagos sa loob ang sinag ng pang-umagang araw.

The Other 'I'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon