20 : Where are you?

31 2 3
                                    


"Laxamana..." I heard a familiar voice next to me. "Eunice Laxamana, right?"

While waiting on the roadside for the traffic lights to turn red before crossing the highway, I turned to my side.

"Yes?"

Sandali itong natigilan nang magtama ang mga mata namin, ang kaunting pagkamangha ay bumalatay sa ekspresyon. Nakilala ko naman agad kung sino ito. He was a popular senior at my high school, a batch mate.

"Hi. Uh..." His smirk turned into a grimace before glancing over his shoulder.

Nasundan ko ang sinulyapan niya at nakita ang isang lalaking nakahandusay sa isang bench. Okupado nito ang kabuuan niyon at tila walang pakialam sa mga nawi-weird-uhang tingin ng mga taong nagdaraan. Hindi ko alam kung tulog ba ito o walang malay. Nonetheless, it alarmed me, even more so with what he said next.

"I don't have my phone with me... and as you can see, my bud over there passed out. Can I ask you a favour?"

Natuon ang buong atensyon ko sa kaniya. "Of course. Do you want me to call the emergency hotline?"

Dali-dali kong hinugot ang phone mula sa dalang bag at magdi-dial na sana ngunit natigilan.

"No, no." Umiiling, nakagat niya ang labi at bahagyang natawa. "He's fine. Kasama namin ang iba naming teammates. This dunce had the audacity to pass out on me. And as much as I wanted to leave him here, coach will gonna kill me."

Marahan ang tango ko. "I'll call your other teammates, then?"

He snapped his fingers in agreement, now grinning like we had a strange understanding. "Exactly."

"Okay." Bahagya akong natawa sa katuwaan niya.

I typed in the number as he dictated it. Nang makailang ring na at wala pa ring sumasagot ay nag-angat ako ng may pag-aalalang tingin sa kaniya. Mula sa bahagyang pagkakapaling ng ulo, nahuli ko ang kalmadong panonood niya sa akin.

"No one's answering. May iba ka pa bang kabisang number ng iba mong teamma—" Natigilan ako nang makitang may hinugot siya sa bulsa ng suot na jeans. Pagkasulyap sa screen niyon ay ngumisi siya pabalik sa akin at mabagal na napatango.

Wait...

There was humor in his deep-set eyes as it trained into mine. Bahagya niyang itinaas ang hawak na phone, ang ngisi ay mas lumaki. "That's my number. I'll call you later, then."

"What?"

Patalikod siyang humakbang paalis, ang mga mata'y naiiwan pa sa akin.

Sa kalituhan ay napasulyap ako sa kasama niya at nakitang binibitbit na ito ng dalawa nilang teammates patungo sa isang van. Laglag ang panga ko nang muling magbalik ng tingin sa kaniya na ngayo'y naroon na sa tapat ng pintuan ng sasakyan. Bago siya pumasok ay bahagya pang nagtaas ng isang kamay sa ere bilang paalam.

The light then turned green but I couldn't seem to move my feet to cross the street. Hinayaan ko lamang ang pagdaan ng mga tao sa paligid ko, ang nagbabadyang ngiti sa mga labi ay hindi ko alintana.

What just happened? Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano.

My phone beeped for a message then. Pagkababa ng tingin dito'y bumungad ang isang text mula sa number na ibinigay niya kanina.

From: Unknown number

It's Terrence, by the way

The sudden reminder of our first interaction during senior high felt like a distant dream. Ilang beses man iyong magpabalik-balik sa isip ko ay hindi ko pa rin mahanap kung saang parte roon ang may posibilidad na totoo ang nangyayari ngayon. Kung paanong ang Terrence na nakilala ko noon ay iba pa lang klase ng tao...

The Other 'I'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon