40 : Hurt less

38 3 0
                                    


Rayu's note: Hi! This is the last chapter. And if you're still reading up to this point, let me thank you for seeing thru to the end of Eunice's nightmares haha! Kiddings. Thank you so much for your time and appreciation!
Any thoughts? :)

***


"Sana hindi na lang kita nakilala. Sana hindi na lang kita minahal. Sana hindi na lang ikaw." Pagkatapos niyang bitiwan ang mga salitang iyon ay tumalikod siya at dire-diretso umalis.

It took me a couple of minutes to calm myself from crying while waiting for the voices in my head to quiet down. Pikit ang mga mata, baon ang mukha ko sa mga tuhod habang yakap ang mga binti. Malakas at malamig ang hangin ngunit hindi ko iyon alintana dahil sa paghikbi.

Ilang beses kong binalikan ang sagutan namin. 'Sing dami rin niyon ang mga pagkakataong sinisi ko ang sarili sa mga nasabi ko't 'di na dapat binanggit pa.

But either way, I couldn't give him what he wanted—I couldn't be with him again. He was right. After everything he did, I don't think I could take him back even as a friend. And though I moved on, there was still a part of me grieving. Maybe because I hadn't completely let go of him yet.

Nang tuluyan akong huminahon ay umahon ako sa pagkakaupo at tinungo ang daan pabalik, para lang matigilan.

Nagpalitan kami ng tingin nang natigilan sa paglapit na si Cedric ilang metro ang layo mula sa akin. Bahagya niyang itinaas at isinaludo ang isang palad sa ere bago nagpatuloy.

Bumagsak agad ang mga mata ko sa buhanginan. My eyes were probably puffy from all that crying.

"Hey. So, uhm... inimbitahan kami ni Cali. You guys are having a party?"

I cleared my throat before nodding at him yes. Isang sulyap at nagpatuloy ako sa paglalakad pabalik. Sinubukan kong magtunog normal ang namamalat kong boses. "Kasama mo sina Jon?"

Sumunod siya sa akin. "Yep. May dala rin kaming ilang case ng beer."

Muli akong tumango at hindi na nagsalita.

"Did you enjoy the party?"

Sandali pa akong napaisip kung ano ang tinutukoy niya. Hanggang sa maalala ko ang pagtugtog nila kanina. Sinubukan kong siglahan ang boses kahit nanghihina.

"It was good. Hindi halatang wala kayong praktis."

"Eunice."

Wala sa oras akong napabaling sa kaniya nang sapuhin niya ang isang braso ko. Agad sumalubong sa akin ang may bakas ng pag-aalala niyang ekspresyon.

"Okay ka lang?"

A tired, quiet laugh escaped in between my lips. Lagi kasing iyon ang tanong niya sa akin. Honestly though, "I don't know. But I'm hoping to get better soon."

Nanatili siyang tahimik na nakatitig sa akin, tila binabasa ang ekspresyon ko o ano. Hanggang sa dahan-dahan siyang nagbuntonghininga.

Rinig ang ingay sa veranda mula sa halong tawanan, mga boses at malakas na pag-alingawngaw ng speaker. Pagkaakyat namin doon ni Cedric ay agad kaming sinalubong ni Dina.

"Ba't ang tagal mong bumalik?" aniya.

Kaunting pasada ng tingin sa paligid at natagpuan ko ang matatalim na tingin ni Terrence sa direksyon namin. Naro'n siya sa gilid ng infinity pool kasama sina Cali pati nang mga kabanda ni Cedric. May kani-kaniyang hawak na bote ng beer.

The latter chuckled uneasily. "Nasa panganib ba ang buhay ko rito?"

"Tell me what happened." Hinila ako ni Dina papasok ng villa. Nang sumunod si Cedric ay sabay namin siyang tinapunan nang nagtatanong na tingin.

The Other 'I'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon