12 : Blood

30 3 0
                                        


We were caught in a traffic on our way at 60's Diner. It was themed in the sixties, hence its name. Their beef tenderloin was heavenly and we both liked it. But aside from the food, I especially liked the retro and nostalgic vibe of the place. Kaya iyon ang madalas naming pinupuntahan tuwing kumakain sa labas.

"Was there an accident?" Mula sa pagdungo sa sariling phone ay naagaw ang pansin ko ng pagkislap ng pula at asul na ilaw ng mga patrol cars at ambulansya. Nang bahagya ko pang inangat ang ulo para aninagin iyon ay natanaw ko ang ilang kumpulan ng mga tao, dahilan ng traffic.

"Looks like it." Habang tamad na nakadantay ang isang braso sa manibela at ang isa'y dinadantayan ng ulo, sinulyapan niya iyon mula sa loob ng sasakyan.

Ilang minuto kaming na-stuck doon dahil sa bagal ng usad. Muli ko na lamang inabala ang sarili sa phone. Ngunit nang madaanan namin ang mismong lugar ng insidente ay hindi ko naiwasang punahin at pagtuunan iyon ng pansin.

Mas naging malinaw sa kadiliman ng gabi ang nagsasalit na pula at asul na ilaw ng mga rumesponde, kasama ng bawat flash ng camera para kunan ang lugar. Sakop ang ilang metro ng pinangyarihan, may nakita akong body outline sa gilid ng kalsada sa loob ng bakod gawa sa police tape. Sa 'di kalayuan ay may nakatumbang motor, warak halos ang kabuuan ng harap.

With one look, I couldn't tell if the wet patch on the ground was blood because it was dark and almost looked black. But nonetheless, I guess there really had been a mishap. Probably a vehicle accident from reckless or drunk driving.

Mula sa mga otoridad na naroon ay nahagip ng paningin ko ang pagtulak ng ilang med sa stretcher kung nasaan ang katawan ng naaksidente. Isinilid ng isa roon ang kamay nitong lumabas mula sa loob ng puting telang ipinangtakip bago tuluyang ipinasok sa ambulansya. The body was from a guy, I could tell from its large hand and forearm.

Hindi ko inasahan ang biglang pagbaligtad ng sikmura nang maalala ang panaginip ko kaninang umaga dahil sa bahid ng dugong nakita rito. On impulse, I stared down at my hands and only realized then that it was trembling.

Napakislot ako sa biglaang pagtalon ng puso nang maaninag ang bahid ng dugo roon—katulad ng sa panaginip ko. Animong may nagbuhos sa akin ng nagyeyelo sa lamig na tubig nang manigas ako sa kinauupuan. My heart pounded erratically as my breathing started to strain. Para akong mabibingi nang maramdaman ang pag-ugong niyon hanggang tainga ko.

With cold sweat forming on my forehead, I tried to breathe.

"You hungry? Malapit na tayo."

With a sudden sharp intake of breath, I blinked once as if being pulled out of my own reverie. When I looked closely at my hands again, there was nothing on it—no trace of any blood.

"Cee, you okay?"

Hindi ako nakatugon agad sa sinabi ni Terrence kaya't bahagyang nagtagal ang tingin niya nang muling sumulyap.

The blood wasn't there but the beating of my heart was far from calming down—aside from the sudden tremor in my hands I was struggling to control. Pinagsalikop ko ang mga iyon para lang pigilin ang panginginig bago sumulyap kay Terrence. I tried to smile.

"Yeah."

Hindi ko malasahan ang pagkain ngunit pinilit ko pa ring lulunin iyon. Wala rin ako halos naintindihan sa mga sinasabi niya buong sandali. Panay lang tango at maliit na ngiti ang nagagawa kong tugon. Lutang ang isip ko at hindi ko mapigilan ang pabalik-balik na pagkakaalala sa dugo. Sa panaginip ko. At kanina. Paulit-ulit nagsirko iyon sa isip ko hanggang sa halos muntik ko nang maramdaman ang muling pagbaligtad ng sikmura.

I forced myself to think about something else as I shoved and swallowed the food in my mouth as quickly as I could. Agad kong inayang umalis si Terrence matapos.

The Other 'I'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon