Terrence drove me to my apartment. Buong byahe kaming tahimik sa loob ng kotse niya. I didn't think he wanted to talk about what happened... and so am I. Kung pwede lang ay tuluyan ko nang kalilimutan at buburahin sa isipan ko 'yon.
"I'll make sure this won't happen again. But if that fucktard tries to do anything funny with you, or even come near you, just call out to me..." Nilingon niya ang pananahimik ko mula sa passenger seat.
Bumagsak lamang ang mga mata ko sa mga daliri kong nasa kandungan. He lent me his varsity jacket because aside from the only thin spare shirt I get to wear, his jacket was warmer than my cardigan.
"Don't call out for anyone but me..."
"I shouldn't be bothering you, remember? Para saan pa ang cool-off kung—"
"You're still pulling that goddamn cool-off?" aniya, malinaw ang pagtitimpi ng galit sa tono.
Mabagal akong napabuga ng hangin. I guess nothing changed, huh?
Dinungaw ko ang tahimik, madilim at pababang kalsada sa tapat ng apartment ko mula sa bintana ng passenger seat. The lights from the city below silhouetted the swaying of the pine trees in the dark.
Mula sa pagtunghay doon ay mahinahon ngunit buo ang boses ko nang dire-diretso itong sinabi, "Can you see what the problem here is? Gusto mo ikaw parati ang nasusunod. What about my say? Ikaw lang ba dapat ang laging tama? Hindi ba ako pwedeng magdesisyon para sa atin for once?"
"Obviously not, Eunice! Kita mo kung anong gusto mong kahinatnan natin? You want us to fucking break up!" Tumaas nang bahagya ang boses niya.
Wala sa oras ko siyang nabalingan. My suppressed anger was triggered kaya't bahagya na ring tumaas ang boses ko. "For Pete's sake, Rence! I'm just asking for a goddamn cool-off! How many times do I have to tell you that it wasn't the same as breaking up?"
"Did you just curse?"
"I did! So what?" Pati ba iyon kokontrolin niya?
Nanatiling nakaawang ang mga labi niya dahil sa sigaw ko. Sinamantala ko ang pagkakabigla niya para magsalita ulit. "Pwede bang bitiwan mo muna ako kahit saglit? Sakal na sakal na 'ko sa 'yo... sa relasyong 'to. Ibigay mo naman sa 'kin kahit ito lang, Rence. Ito lang."
Magsasalita sana siya pero hindi niya naituloy dahil sa sinabi ko. Natulala siya sa mukha ko ng ilang sandali, mukhang hindi alam ang sasabihin dahil sa pagkabigla. The air went dead for a few seconds before I decided to call it a night and get out from his car.
"I'm going."
Naiawang ko na ang pintuan nang bigla niya akong pinigilan. Natigilan ako kaagad at palihim na napasulyap sa kamay niyang nasa braso ko. Magaan at halos walang lakas ang pagkakahawak niya roon, tila nanghihina.
His labored breathing echoed right before he said, "How can I make it up to you, then?"
Napapikit ako nang mariin dahil sa paninikip ng dibdib. Parang maging ako'y nanghihina—sa paraan niya ng paghawak at pagsambit ng mga salitang iyon.
"Rence, listen—"
Nang tuluyan ko siyang nilingo'y sinalubong niya ang mga labi ko. Namilog ang mga mata ko sa gulat dahil sa mapanuyo niyang paghalik. It was as if he was in pain... for a very long time. At ako ang gamot para maghilom ang mga sugat niya. That every ounce of me was his precious cure.
Marahan niyang hinaplos ang pisngi kong sapo ng isang palad.
"I miss you... so damn much that it's beginning to hurt. Can you please tell me what to do about it?" His deep-set eyes were bloodshot. Nakaawang ang mga labi niya pero parang hirap na hirap pa rin siyang huminga.
BINABASA MO ANG
The Other 'I'
General FictionFed-up with Terrence's cheating on their more than a year relationship, Eunice decided to cool things off between them -- for she can't find the courage to end it in the midst of her indecision and overwhelming emotions. But as she struggled to try...