7 : Cedric

26 3 0
                                    


Pansamantala kong nalimutan ang mga nangyayari sa pagitan namin ni Terrence, pati nang nangyari sa locker-room dahil sa presensya ni Cedric.

Was it just me or this dude is somewhat strange? Bigla-bigla na lang siyang sumusulpot mula sa kawalan... tapos ngayon malalaman kong dito rin pala siya nanunuluyan sa parehong building apartment, sa mismong room na katabi ng sa akin... for about a month?

I was close to thinking that he was a stalker even though he didn't really look the part because he seemed like a normal person. At dahil... sa kung anong dahilan ay gumaan na rin ang loob ko sa kaniya pagkatapos nang nangyari sa library. I know I still shouldn't trust him but my gut was telling me that it was the right thing to do.

Mula sa malalim na pag-iisip ay napatalon ako sa gulat dahil sa malakas na pag-alingawngaw ng kung anong bagay na bumagsak sa labas. While holding my breath, I slowly tried to push aside the curtain on my window just to take a peak from outside.

Napalunok ako nang makita ang madilim na balcony, garahian at anino ng pababang hagdan mula sa labas ng bintana ko. Sinubukan kong lumapit pa roon para makita ang kabuuan niyon—mula sa nag-iisang posteng naroon sa tabi ng gate at tanging nagsisilbing liwanag.

Pagkalingon ay muli akong napatalon kasabay ng paghugot nang matalim na hininga. Muntik-muntikan na akong mapatili at mapaatras sa gulat dahil sa dali-daling pagtakbo paalis ng isang pusa—ang mga galit na ngiyaw nito na animong may kaaway ay naiiwan pa.

Sapo ang nagwawalang dibdib, ang kanina ko pang pinipigilang hininga ay dire-diretso kong napakawalan sa wakas.

Nagbalik sa akin ang premisyo ng madilim na locker-room kasama na ng mabibilis at maiingay na yabag. The fresh memories were glitching as it played back inside my mind.

Ang paraan ng pagpasada ng malagkit na tingin sa akin ng lalaki. Itim na hoodie. Ang halong dispalinghado at nakakakilabot niyang ngisi. Matangkad na pigura. Ang paghaplos ng magaspang niyang palad sa balat ko. Bahid ng dugo. Ang pag-angat niya ng tingin sa akin para humingi ng tawad. Nakikiusap at takot na sigaw. Pagdanak ng dugo mula sa sugat.

Mula sa mabibigat na paghinga at dagundong ng dibdib sa iba nang dahilan, hindi ko alintana ang pagyakap at pag-alu sa sarili sa ilalim ng suot na shirt at jacket. I know Terrence made sure that it won't happen again but I don't know how to forget it as if nothing happened. Pakiramdam ko'y hindi ko na kayang tumuntong muli sa locker-room. Lalo na kung mag-isa lang ako.

Maaga pa lang ay dinalaw na kaagad ako ng antok. Naging masyadong mahaba ang araw na ito. I think I needed a lot of rest to recover. And speaking of rest, tingin ko'y nasobrahan ako roon.

I woke up past nine the next day. And guess what? My class starts at eight. Holy crap! I was definitely late for school. Though I was thinking...

Why not skip school today?

I texted Shant. Nagkasundo kaming magkita after ng mga klase niya. She said her classes would be done at around three pm. Wala akong ibang ginawa bukod sa pagkain kundi panonood ng movies sa laptop habang nag-aantay ng oras. I just re-watched my favorites... mostly ay iyong mga kinatulugan lang ni Terrence noon nang pinanood namin nang magkasama. He wasn't much into romcom katulad ng karamihan sa mga lalaki. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil ayoko sa mga action at thriller movies na gusto niya.

"Care to explain why you skip school today, young lady?" Pinagtaasan ako ng kilay ni Shant bilang pambungad.

We met on a café near her campus at Crestfall, a town next to Willow Grove. At dahil ako naman ang nag-aya, ako na ang sumadya.

Bumuntonghininga ako habang pinapasadahan ng tingin ang bilang na mga customer sa loob, karamihan ay estudyante. The place was cozy with its minimalist design and serene ambiance. From its wooden furniture down to the cream and light color mixture. The calming background music was relaxing as well.

The Other 'I'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon