36 : Why not

30 3 0
                                    


Matapos kong magpalit sa isang oversized sweater at dolphin shorts ay agad na akong bumalik sa labas, bitbit ang jacket ni Cedric para isauli. Mabuti na lang at may provided na flip-flops ang villa kaya't iyon muna ang ginamit ko pansamantala.

Pagkalabas sa veranda tanaw ang infinity pool ay naabutan kong nag-iihaw na si Mike at Cali. Si Terrence ay naroon nakaupo sa nakahandang lamesa katapat si Cedric, kapwa tahimik at inaabala ang mga sarili sa pagtanaw nang may kalayuang pampang.

Malapit na ako sa kanila nang may biglang humablot ng braso ko.

"You're drinking tonight," desisyon ni Dina.

"What? I can't. You know that's one of my triggers—"

Bago ko madugtungan pa iyon nang mahabang paliwanag ay padarag na akong iniupo ni Dina. Sunod ay balewala siyang naupo sa tapat ko, sa tabi niya ay sumalubong agad sa akin ang walang emosyong pagtunghay ni Terrence. Isang lingon sa taong nasa tabi at kumurap pabalik sa akin si Cedric. Muli kong ibinagsak ang tingin kay Dina na ngayon ay patay malisya nang umiinom sa sariling baso, sabay tawag kay Cali at Mike para maupo na rin.

"Almost done!" ani Cali. Nauna nang bumalik si Mike sa kaniya dala ang isang parisukat at malaking plato. Laman niyon ang ilang grilled meat at seafood nang ilapag niya sa lamesa.

"Dig in."

Agad inatake ang pang-amoy ko nang sari-saring aroma ng meat at seafood. Kaya't kahit hindi gaanong gutom dahil sa nangyari ay parang natakam ako.

Ngunit bago ang lahat, sumulyap ako sa katabi at inabot ang dala. "Thanks."

Bahagya siyang ngumiti at tumango pagkatanggap niyon. Ipinahinga niya iyon sa hita at saka kumuha ng baso sa table. Sumulyap siya sa akin at iminaniobra ang hawak.

"Do you drink?"

"A little," I winced.

Tuluyan niyang inabot sa akin ang baso. Sandali pa akong nag-alinlangan ngunit sa huli ay tinanggap ko iyon. Pinanood niya akong uminom doon nang kaunti bago siya ngumiti. It was whiskey.

"Matapang? Dagdagan ko ng coke?"

I made a curt nod. "Yes, please."

Agad naman niyang ginawa iyon bago nagsalin ng puro sa sariling baso.

Narinig ko ang tikhim sa kabilang banda. "You're not supposed to drink."

"I won't get wasted," I assured Rence after meeting his blank stare. Sumulyap siya sa katabi ko sa parehong ekspresyon na parang may gustong sabihin ngunit nanatiling walang imik.

"Hmn, this is good! Tikman mo." Sinubuan ni Dina ang katabing si Mike ng kung anong seafood.

Tumango ito habang ngumunguya sabay ngisi. "Yeah. It's good because I grilled it."

Humagikgik si Dina at sinubo ang natira sa tinidor at saka namapak muli. Mike was drinking on his own glass when Cali finally joined us. Dala nito ang isa pang malaking parisukat na plato, ang tong ay hawak naman sa kabilang kamay.

"Here you go, fresh from the sea!" anito pagkaupo sa tabi ni Cedric. He chuckled then. "Putok batok! May high blood ba rito? Wala? Good!"

"What is this?" Dina busied herself inspecting the species on the plate and tasting them. I joined her and started eating some of it too. May pina-try din siya sa akin na mabilis ko namang tinanggap at kinain.

Cali played lofi songs through his Bluetooth speaker as background music. Ang kalmadong tunog mula rito ay sinabayan ng mga hampas ng alon sa pampang na aninag mula sa baba ng infinity pool sa balcony.

The Other 'I'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon