38 : Payback

20 3 0
                                    


"Long time no see, Eunice. Naaalala mo pa ba ako?"

Tila nag-ugat ang mga paa ko nang manigas ako sa kinatatayuan, hindi makagalaw at halos hindi na rin makahinga.

That guy. It was that guy. I'm sure of it now.

Sa kabila nang malayong ingay mula sa kumpulan ng mga tao ay rinig ko ang yapak sa buhangin mula sa suot niyang sapatos palapit sa akin—pati nang aninong aninag ko sa buhanginan. Dahan-dahang kumalampag hanggang sa tuluyang dumagundong ang dibdib ko sa labis na kaba. Lalo na nang maramdaman ko ang tuluyan niyang paglapit. Agad akong napakislot at napatalon palayo nang sinubukan niyang hawiin ang takas kong buhok.

I made a sharp intake of breath when I saw his face. Agad kong nasapo ang awang na mga labi. Para akong hinablot bigla ng sindak mula sa leeg nang kinapos ako ng hangin sa kabila nang mabini niyong pag-ihip.

"How rude." Makapanindig balahibo siyang ngumisi nang magpalitan kami ng tingin. "But I guess you remember me, huh? Even though my face got kinda fucked up."

His face. It was deformed. Broken nose, swollen eyes and cheeks without any hint of bruise. It was completely healed but it didn't look the same.

Oh my, God.

Nanginginig akong napaatras nang magsimula siyang humakbang palapit. Ang paghinga ko'y unti-unti nang bumibigat. Hindi ako makapagsalita sa tila nakalulumpong takot.

It was the hoodie guy, wearing the same black clothes like the one I saw on the diner and near the shore this morning.

Why is he here? What does he want? How the hell did he know we're here? Sinundan niya kami?

"Nasaan si Terrence?" hindi naalis ang nakakakilabot niyang ngisi nang tinanong iyon.

"What... what do you—"

"Kung ikaw ang tatanungin, mas madali bang makaganti sa kaniya kung ikaw ang gagamitin ko o kung papatayin ko na lang siya?"

Nagtindigan ang mga balahibo sa buo kong katawan. Sinundan iyon ng matinis niyang pagtawa. Sa namimilog at namumulang mga mata ay direkta niya akong tinitigan. Halos mapasigaw na ako nang mas lumapit pa siya kaya't muntik-muntikan na akong matumba sa biglang pag-atras.

"There's nothing wrong about a psychopath getting killed by another psychopath, is there? The world is full of psychos if you look at it closely. His twin's one, right? Ainsley?"

Natuluyan ako sa pagkakatumba sa buhanginan dahil sa panginginig ng mga binti nang lalo siyang lumapit.

"Don't..." Umiling ako at sinubukang gagapin ang sarili. "Don't hurt him!"

Mula sa pagtayo sa harap ko ay bahagya niyang itinabingi ang ulo, ang mga mata'y nanatiling nang-oobserba at ang mga labi ay may bahid ng mapanuyang ngisi.

"Sinasabi mo bang ikaw na lang ang pagbayarin ko?"

Mabilis at paulit-ulit akong umiling. Ang pamumuo at pagtulo ng luha ay 'di ko na alintana dahil sa umusbong sa aking galit. With gritted teeth, I cried, "It's your fault! Anong karapatan mong maningil?!"

"Was it?" Isang mahaba, matinis at nakakikilabot na halakhak ang pinakawalan niya. "That was a lie, by the way—hindi si Steph ang nag-utos sa 'king gawin 'yon sa 'yo kundi ang kakambal niya!

"Ainsley wanted so bad to help his brother realized who he really is. Too bad, he couldn't kill me and partake with the murders. So now, I'm here to take his life instead!"

What the hell is he saying?

Para akong tatakasan ng lakas. Ngunit sa kabila ng tila paglukob ng takot ay sinubukan kong buuin ang loob. Dali-dali akong umahon sa buhanginan, nanginginig. I grab a fistful of sand and threw it in his direction before making a run for it.

The Other 'I'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon