"Eunice! Get to the house!" sigaw ni Cali sa dalagang panandaliang naestatwa sa kinatatayuan.
Hindi niya ininda ang mga tamang sinapit sa lalaki kanina lang at patuloy pa rin sa pakikipagbunuan dito sa hawak na baril. While putting pressure using his arm on the man's throat, he took a quick glance at Eunice's direction—patungo na ito pabalik sa rest house. At kailangan niyang pigilin ang lalaking ito hanggang sa marating ng dalaga ang huling kwarto—para alamin kung ano ang naroon. Hindi man maganda ang kutob ay wala na silang ibang magagawa pa kundi ang sumugal.
Nang muli niyang binalingan ang lalaki ay sinalubong siya nito ng isang suntok. But it only ended up grazing his cheek because the man was becoming weak from choking. Sinamantala ni Cali ang pagkakataon upang agawin ang hawak nitong shotgun. Sa pangalawang pagkakataon ay sumubok muli ng suntok ang lalaki ngunit mas mahina na iyon kumpara nang una.
He must be losing consciousness, isip niya nang makitang hirap na itong manlaban.
A brief second before the man closed his eyes, Cali loosened his arm on the man's throat and tried to seize the gun—only to be horrified when the guy gripped the handle, pointed the gun on his direction and fired it without further ado.
Cali cupped his ringing ears, he could feel the blood coming from it on his hand as a sharp, tormenting pain tackled him. Someone was shouting but it seemed like an echo from a distant place. With eyes tightly shut, he couldn't hear a thing.
Pagmulat ng mga mata ay bumungad sa kaniya ang lalaking ngayon ay nabawi na ang pagtayo at nakaamba nang paglapit sa kaniya.
Hindi mabilang na mura ang gusto niyang isigaw nang sunod-sunod na tumama sa kaniya ang talampakan ng matigas na botang suot nito. Buong akala niya'y mawawalan na ito ng malay kanina ngunit masyado siyang napalagay.
Is this fucker plans to beat the shit out of me? Hindi ba siya napapagod?!
Parang gusto niyang matawa. Sa pagkakaalam niya'y kasiyahan lamang ang hanap niya kaya niya kinumbinsi ang mga kasamang magtungo rito. Naisip niyang karma na marahil niya iyon dahil sa pagiging likas niyang padalos-dalos sa mga bagay at desisyon.
I should've took some combat training like Dad suggested. Malay ko bang sasabak ako sa ganitong aksyon? Ang gusto ko lang naman ay paganahin ang utak ko at hindi ang kalamnan!
Hinahapong natigilan ang lalaki sa ginagawang pagsipa at pagtadyak kay Cali nang marinig nito ang mahina niyang halakhak. Kunot-noo nitong ipinaling ang ulo patagilid para lang obserbahan kung nasisiraan na ba ng bait ang binata o ano.
Curling his limbs to protect his head and body on the ground, Cali didn't move for a long while. Nanatili namang kunot ang noo sa kaniya ng lalaki, ngayo'y iniisip na kung ano ang gagawin sa kaniya. Hanggang sa napamura ito at iritableng dumaing tungkol sa mga kabataang pakialamero at hindi marunong makinig.
That's three shots now. Wala nang lamang bala ang shotgun.
Pikit ang mga mata, hindi gumalaw ang binata mula sa pagkakahandusay sa damuhan. Isang hakbang at hinablot siya ng lalaki mula sa manggas ng suot niyang damit upang iharap siya.
"Tayo," anito sa malamig at mariing tinig.
Hindi pa rin siya gumalaw. Hanggang sa maramdaman niya ang tuluyang paglapit nito. With eyes opened just a crack, he landed a blow on the man's face with all of his remaining strength. The man flinched when Cali's fist landed on his nose, making a faint crack sound. Ngunit mabilis itong nakabawi nang ibinuwelo ang hawak na shotgun at ibinayo sa direksyon ng binata—na siyang naiwasan naman nito matapos bahagyang gumulong palayo. Dali-dali niyang ginawaran ng tadyak ang lalaki sa tagiliran matapos. Muntik na itong bumagsak sa damuhan ngunit agad nahuli ang sarili pagkatukod ng hawak na shotgun.
BINABASA MO ANG
The Other 'I'
General FictionFed-up with Terrence's cheating on their more than a year relationship, Eunice decided to cool things off between them -- for she can't find the courage to end it in the midst of her indecision and overwhelming emotions. But as she struggled to try...