Humahaginit ang tunog ng malulutong na tuyong dahon at maliliit na sanga sa bawat apak namin sa lupa.
"How can his parents access the place? CCTV? Caretaker?" tanong ni Cali.
Sa 'di kalayuan ay tanaw na namin ang nag-iisang gusaling nakatirik sa gitna ng gubat—ang two-storey rest house ng mga Gallevo. Mula sa ilang nakatabing na puno at damo sa daan ay kitang gawa sa makakapal na kahoy ang haligi niyon at purong salamin ang mga bintana. The house was not gated. Tanging balkonahe lang ang nagsilbi nitong bakod sa harap. Sa 'di kalayuang gilid nito'y may tila isang maliit na barn.
"They have a caretaker," ani Mike sabay sulyap sa akin mula sa likod nila. Si Dina ang kasabay ko roong maglakad.
"Anong gagawin natin sa caretaker kung gano'n?" si Cali ulit sabay sulyap sa pagsabay namin ni Dina sa likod nila, ang pilyong ngisi ay nakaligid sa labi. "Dispatsahin ba natin?"
Only Cali could still joke around at a time like this.
"Their caretaker only goes here early in the morning to check the place. He usually goes here around six so we're safe since it's already quarter to eight," ako ang sumagot.
"Mukhang madalas kayo rito ah?" malisyoso ang ngisi ni Cali sa akin.
Binalewala ko lamang siya.
"But we can't just barge in there like we own the place. Pa'no kung nand'yan nga si Terrence?" Dina asked.
Humintong bigla si Mike sa paglakad ng ilang metro na lang ang layo namin sa bahay kaya't napahinto rin kaming tatlo at agad naalerto.
"What is it?" bulong ni Cali.
Panay naman ang sulyap ko sa tahimik na rest house. Walang kahit anong kaluskos o bakas ng paggalaw akong namataan doon.
"We need a plan, idiot!" sigaw na bulong ni Dina, nandidilat.
"From asshole to idiot, nice, D," sarkastikong ngumisi si Cali rito, may kasamang maliit na tango.
"Mike." Binalingan ko ito at inudyok na magsalita para marinig ang planong naiisip niya. If there was anyone reasonable here, it was him. Wala akong maaasahan sa dalawa pang narito.
Nagbalik siya ng tingin sa aming tatlo matapos dungawin sandali ang rest house. Sumandal siya sa punong nasa tabi bago nagsimulang magsalita. Sa likod niya ay ang pataas pang daan ilang metro ang layo mula sa pakay.
"Okay. So here's what I think we should do."
Bahagya kaming lumapit sa kaniya para pakinggan siyang mabuti.
"We need to split up in pairs for the two floors para mas mabilis. Me and Dina will search the ground floor while you two head up for the second floor."
"What?" apila ko sabay lingon kay Cali. Why was I stuck with this ass?
"What?" he echoed mockingly as he glanced back at me.
Dina laughed under her breath.
"May problema ba, Eunice?"
"Nothing. Go on," mabilis ko na lamang iling kay Mike nang may kasamang dismayadong buntonghininga.
"Don't talk when we get inside and be quiet as much as you can. Make your search fast. We'll meet at the living room after ten minutes."
Sabay-sabay kaming tumangong tatlo.
"Teka... paano tayo papasok?" With a hand slightly raised, Cali tilted his head to the side as he waited for an answer.
Nagkatinginan kami ni Mike at animong nagkaintindihan nang sabay na tumango.
BINABASA MO ANG
The Other 'I'
General FictionFed-up with Terrence's cheating on their more than a year relationship, Eunice decided to cool things off between them -- for she can't find the courage to end it in the midst of her indecision and overwhelming emotions. But as she struggled to try...