34 : Do you remember?

28 3 0
                                    


"I'm Cedric," anito. "Cedric Montiel?"

Pagkaabot sa peak ng suot na sumbrelo ay hinugot nito iyon paalis. Isang pasada ng mga daliri ang ginawa nito sa may kahabaan at alun-along buhok bago muling nagtuon ng tingin sa akin. Ang ngiti ay nakapinta pa rin sa mukha.

Laglag ang panga at namimilog ang mga mata ko sa gulat nang kumurap ako at maituro siya.

"Cali... can you... can you see him?"

"Hmn? This guy? Yeah. He's pretty much real. In the flesh."

Kasabay ng pagkakasapo ko sa mga labi ang pagbakas ng kalituhan sa ekspresyon ng lalaking nasa harap.

Did he say his name was Cedric? But he didn't look like the one in my hallucinations. And he was... he was real? Like a breathing and alive person? How did that make sense?

"Do you know him?" alanganing tanong ni Cali.

Mabilis nitong sinulyapan ang huli bago magtuon muli ng tingin sa akin. He lifted his right hand and placed it horizontally in the air levelled on his stomach—like he was indicating a height. "Cedric. Fifth grade. Shrimpmunk. New kid in town? You don't... you don't remember?"

He held my gaze without moving as if waiting for me to recall what he said like those are important keywords.

Tuluyan lamang kumunot ang noo ko sa kalituhan. But when I stared back long enough to every features of his face, faint random flashes of memories spilled on my mind—parang pader na basta-basta na lang tinapunan ng bagong pintura iyon. Kulang-kulang at putol-putol na parte, na kinailangan ko pang alalahanin at pintahan nang mabuti para mapagtagpi-tagpi at maintindihan.

When I recalled a certain memory, it all started to make sense.

"Shrimpmunk! Shrimpmunk!"

"Bakit ang liit mo? Ulila ka ba? Walang magulang kaya walang nagpalaki?"

Nang hindi na nakatagal ay iritable kong nilingon ang mga nang-aasar sa likod ng inuupuan.

"Ang ingay ninyo hindi ko maintindihan ang binabasa ko."

Mula sa paghampas sa table at pagturo-turo sa katabi ko'y natahimik ang mga ito. Nagsikuhan pa bago nahihiyang ngumiti sa akin.

"Sorry, Eunice..." Sabay may pagbabantang baling ng tingin sa taong nakaupo sa tabi ko.

Nang tumahimik ang mga ito'y binalewala ko na at nagpatuloy na lamang sa ginagawa. Ramdam ko ang titig ng katabi magmula pa kanina kaya't nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Agad naman siyang nagligaw ng tingin sa classroom namin at kukurap-kurap na nagmaang-maangan.

"Good morning, class."

Hanggang sa dumating ang art teacher namin.

"Good morning, ma'am!"

"Okay. For today's activity, I want you to draw one facial feature of your partner."

"Ma'am! Ma'am! Kami po ba ang mamimili ng partner namin?"

"Yes." Natawa ang teacher sa katuwaan ng nagtanong niyon bago nagpatuloy sa pagpapaliwanag.

Panay naman ang kalabit sa akin ng nasa likod.

"Eunice, partner tayo..." anito.

Lilingon na sana ako sa likod ngunit nang nahagip ng tingin ko ang katabi ay natigilan ako. Nakatingin siya sa akin at parang may gustong sabihin.

"Eunice!" Imbes na pansinin ang muling pagtawag ng nasa likod ay nanatili akong nakatingin sa katabi at hinintay siyang magsalita.

Ngunit nang umawang pa lamang ang mga labi niya'y agad na siyang natigil.

The Other 'I'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon