25 : The last room

16 3 0
                                    


Segundo lamang ang lumipas nang mapatili ako matapos walang habas niyang tinadyakan ang likod ni Cali. Ang paa niya'y nanatiling nakadiin sa likod nito nang bumagsak ang huli sa madamong lupa.

"Cali!"

Ang pamilyar na takot ay nakahanap ng lugar sa akin nang muling itinutok ng lalaki ang baril sa ulo nito—ang daliri ay naroon na sa gatilyo at handa nang kalabitin iyon.

"Mga bata nga naman—hindi marunong umintindi," mariing usal ng lalaki pagkasulyap sa akin. "Ano sa sinabi kong umalis kayo rito ang hindi ninyo maintindihan?!"

Napatalon ako sa bigla niyang sigaw. May ilang ibon ding nagliparan na animong nabulabog dahil sa lakas ng boses niya. Tinangay ng nagdaang malakas na ihip ng hangin ang ilang tuyong dahon at maliliit na sanga sa lupa.

Cali groaned. "How the hell are we supposed to leave if our tires are busted? Sino kaya ang may kagagawan?"

Crouching a little, gigil na idinikit at halos iduldol ng lalaki ang nguso ng baril sa ulo nito. "Wala akong pakialam! Nasaan ang mga kasama ninyo?!"

"W-We split up!" Ako ang sumagot dahil sa takot na baka tuluyan niyang kalabitin ang gatilyo sa pabalang na pagsagot ni Cali.

Malakas na nagmura ang lalaki at tila malaki ang problema sa narinig. Ang kalmado niyang postura ay tuluyan nang naglaho.

Palihim kaming nagkatinginan ni Cali at mukhang nagkaintindihan. Shotgun man wasn't the one who busted our tires. Then who did?

Muling napadaing si Cali nang bigyan ito ng isa na namang gigil na tadyak ng lalaki sa likod. Igting ang panga at mabilis ang paghinga, panay ang lipad ng mura niya sa hangin at hindi ko malaman kung ano ang dapat gawin. He looked torn but I could really tell that he has no intention of killing any of us.

"T-They called for help! Can you please let us s-stay here until they get back? We won't... we won't cause any troubles," lakas loob kong suhestyon.

Natigilan naman ang lalaki at agad akong nilingon. Bahagya akong napatalon sa takot nang ibaling niya sa akin ang pagkakatutok ng baril. Dahan-dahan kong itinaas ang magkabilang palad sa ere at halos hindi na gumalaw matapos.

"Hindi kami g-gagawa ng kahit anong gulo—just let us wait here for the others. Aalis kami oras na dumating ang tulong... para sa sasakyan," maingat kong mutawi sa bahagyang nanginginig na mga labi.

Dumagundong ang kaba ko nang marinig ang malakas at sarkastikong tawa ng lalaki, nagbanda-banda iyon sa tahimik na gubat. Lumunok ako, ramdam ang pagtulo ng malamig na pawis mula sa noo—ngunit hindi lang dahil sa painit nang araw.

"Sinong ginagago mo?" aniyang bigla sa seryosong tinig, wala na muling kahit anong bakas ng emosyon ang mukha.

Hindi ako gumalaw mula sa kinauupuan at palihim lamang na sumusulyap kay Cali na nanatiling nakasadlak sa lupa—tulad ko'y hindi rin halos gumagalaw.

"Anong pangalan mo, bata?"

Lito ko siyang sinipat bago may pag-aalinlangang sinagot, ang boses ko'y animong bulong sa hina. "Eunice."

Isang kakaibang ngisi ang kumurba sa mga labi ng lalaki bago gigil na gigil at paulit-ulit na ginawaran ng sipa at tadyak si Cali. Sa likod, tagiliran, braso, hita, kung saan-saan. Sa dami ay hindi ko na mabilang. Ni hindi ko na rin marinig ang mga daing nito dahil sa sarili kong mga sigaw.

"Stop it! Please stop!" Umakma ako ng pagtayo para awatin sana ito ngunit mabilis natigilan nang tinutukan ako ng baril.

This isn't the time to cry but I feel like bawling my eyes out with the sight of Cali's body crumpled down on the ground, his agonized groans echoing in my ears.

The Other 'I'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon