Ipinaling ko ang ulo pabalik sa direksyon kung nasaan si Cedric ngunit tanging madiilm na espasyo ang sumalubong sa akin. Wala siya roon. Pagkapasada ko ng tingin sa paligid ay naaninag ko siyang patalikod nang naglalakad palayo sa mas madilim na parte, tanging anino na lang niya ang naaninag ko. Ngunit ramdam ko pa rin ang naiiwan niyang tingin sa akin.
"Eunice."
Kunot pa rin ang noo ni Terrence nang muli ko siyang binalingan. "Why are you standing here in the dark? Come on, I'll get you home."
Nanuyo ang lalamunan ko nang mag-umpisa akong lumakad palapit sa kaniya. Parang sabit-sabit na wire na nakakonekta sa mga poste ang isip ko.
"Don't you find Terrence's sudden change suspicious?"
"Oh, the things we do for love."
Animong sa kweba nanggagaling ang boses ni Cedric nang paulit-ulit iyong magbanda at umalingawngaw sa pandinig ko. Buong byahe patungong apartment ay hindi ko alam kung tahimik ba si Terrence o hindi ko lang siya narinig dahil sa ingay ng mga boses sa isip ko.
Hanggang sa tila nahigop ang lahat ng iyon nang biglang tumahimik pagkarinig ko ng boses niya sa wakas.
"We're here."
Sumulyap ako sa bintana at nakitang naroon na nga kami sa tapat ng building apartment.
"You okay?"
Ilang ulit akong kumurap bago humugot ng isang malalim na buntonghininga. At that moment, I felt a strong sense of resolve to know the truth and completely end my doubts.
"I heard your friends are hanging out at Varitas tonight like usual. Do you want to come?" tulala ako sa mga palad at animong wala sa sarili nang tinanong ko ito.
Sandaling katahimikan ang bumalot sa amin sa loob ng sasakyan bago ko napagpasyahang mag-angat ng tingin sa kaniya.
He looked serious while eyeing me intently on the passenger seat. Ang magkabilang kamay ay tamad na nakapahinga sa steering wheel. "Do you want to?"
"What if I don't, hindi ka ba sasama?"
"No."
"Then I'll come with you."
Nagsalubong ang mga kilay niya at mas lalo akong mariing pinagtuunan ng atensyon. Ang isang kamay ay nabawi mula sa manibela para lang ipatong sa hita nang bahagya akong nilingon.
"You want to hang out with my friends?"
"Don't you want to hang out with your friends?" balik kong tanong, hindi natitinag ang matigas na ekspresyon.
Kunot pa rin ang noo, walang humor ang ngising namuo sa mga labi niya. "Hindi 'yan ang tanong ko."
"Why aren't you hanging out with your friends lately?"
"Does it bother you that I don't?"
"Why, Rence?" diin ko, sinusuklian ang paraan niya ng pagtitig.
With parted lips, there was an evident wary on his expression as he looked at me for a while. "Because I wanna be with you more," aniya sa marahang tinig. "Cee, what is it? Is there something wrong?"
"Let's go there," pasya ko imbes na sagutin ang tanong niya.
Lito, umiling siya at bahagya nang natawa kahit wala pa ring bakas ng humor ang ekspresyon. Ang magkabilang palad ay naitaas pa ng kaunti. "All of a sudden? Bakit—"
"I said let's go," malamig kong untag, hindi nagbibitiw ng tingin sa kaniya.
Awang muli ang mga labi, natigilan siya agad. Ang kaunting pagkakagulat ay bumalatay sa ekspresyon habang nakatitig pabalik sa akin. Bumagsak ang mga palad niya mula sa kaunti niyong pag-angat. Kalaunan ay umigting ang panga bago sa wakas ay muling pinaandar ang sasakyan—may halong sobrang pwersa mula sa normal.
BINABASA MO ANG
The Other 'I'
General FictionFed-up with Terrence's cheating on their more than a year relationship, Eunice decided to cool things off between them -- for she can't find the courage to end it in the midst of her indecision and overwhelming emotions. But as she struggled to try...