2 : Things

40 4 0
                                    


"Missing person? Pangalawa na yata ito ngayong buwan ah?"

"Nako, malamang at nakipagtanan lang ang dalagitang 'yan—tulad n'ong pamangkin ni Esme. Mga kabataan talaga ngayon masyado nang mapupusok!"

Napasulyap ako sa dalawang may katandaang lalaking nag-uusap sa loob ng twenty-four seven diner, malapit sa apartment ko. Tanging ang mga ito lang ang nakita kong customer doon dahil dis oras na rin ng gabi.

"Thank you."

Pagkangiting pabalik sa babaeng nag-abot ng take-out order ko'y binalewala ko na lamang at hindi na nasundan ang usapan ng mga ito. Dire-diretso na akong lumabas doon matapos. Mula sa mga naninilaw na sinag ng mga posteng bukas, tinungo ko ang may kadiliman at tahimik na kalsada bitbit ang brown bag ng pagkaing binili.

A delivery would be easier but I wanted to take a walk outside. Hindi kasi ako makatulog dahil sa pag-iisip ng naging usapan namin ni Terrence kanina.

Niyakap ko ang sarili mula sa suot na cardigan at huminga nang malalim habang tinatahak ang paakyat na daan. My breath was visible from the cold night air.

Malapit na ako sa apartment nang makarinig ako nang mahinang friction ng sapatos sa kalsada mula sa 'di kalayuan. Out of curiosity, I stopped on my tracks just to scan the empty premise of the road to the tall pine trees on the side. But when the silence welcomed me for a long while, I just shrugged it off and continued heading to my apartment.

The weekend came. I neither went home nor stayed at my apartment because I knew Terrence would be there. Kaya't nagpunta ako sa library at buong araw na inabala ang sarili sa paggawa ng assignments, due papers at advance reading na rin doon. I grabbed my meals on the nearby cafes for breaks. At nang maggabi ay napagdesisyonan kong mag-sleepover sa bahay nina Shant, kaibigan ko noong high school.

Terrence called me several times and I didn't answer any of it. I received a text from him when his calls stopped—said he was waiting outside my house.

Sinabi na nina Mommy na wala ako roon at hindi uuwi para sa weekend. Hindi niya alam kung nasaan ako dahil hindi ko rin naman sinabi sa parents ko kung nasa'n ako ngayon. They trusted me enough when it came to things like this. Alam nilang hindi ako gagawa ng mga bagay na alam kong pagsisisihan ko lang din sa huli.

That... and because of what happened to my late brother. They didn't want to make the same mistake twice so they needed to put their trust in me.

"May babae na naman si Terrence?" Pagod akong nagbuntonghininga bilang kumpirmasyon sa tanong ni Shant. "Ilan ang galamay?"

Natawa ako. "Ilan ba ang galamay ng higad?"

Nang mga sumunod na araw ay sinikap kong iwasan at hindi makita si Terrence. Kada pagkatapos ng isang subject ay agad akong umaalis ng classroom. Hindi na rin ako nagla-lunch sa cafeteria dahil madalas sila roon ng mga kabarkada niya. We were in the same college pero dahil papalit-palit ng room at building ay posibleng hindi kami magkita. And it worked for three days. Pero nang dumating ang Thursday ay hindi na ako nakatakas.

Isang oras bago matapos ang panghuli kong subject ay nasulyapan ko ang pagdating ni Terrence sa labas ng room ko. He eyed me dangerously. Igting ang panga niya pagkasulyap sa akin mula sa pinto. Bumagal ang lakad niya bago nag-settle sa gilid ng hallway matapos. Matangkad siya kaya kita ko ang taas na parte ng buhok niya mula sa maliit na bintanang nasa bandang taas ng dingding.

May klase siya ng ganitong oras. Then it means he ditched that subject just to be here...

What should I do? Should I talk to him? As if I have a choice not to. Nandito siya, imposibleng pumayag siyang hindi kami mag-uusap. I just hope he would listen to me this time.

The Other 'I'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon