Getting To Know

4.4K 48 1
                                    

Dahil sa world tour nila ay mas lalong naging closed sina Sarah at Matteo. They are more comfortable in each other. Mas lalong nakilala nilang ang isa't-isa. Comfortable na silang magbiruan. One time, the whole team had a dinner. Syempre sumama din si Sarah para makapagbonding naman dahil paminsan-minsan lang silang nakakapagdinner dahil narin busy at palaging narereherse sa concert.




"My, hindi po ba kayo sasama sa amin. Masarap mga pagkain dun. At baka mabagot kayo dito" Sarah asked her mother.


"Hindi muna ako sasama. Magpapahinga muna ako't napagod ako kanina. Tsaka para makapagbonding narin kayo" Mommy Divine said.


Mayamaya pa dumating si Matteo para tawagin si Sarah.


"Good evening po tita, ahmm, Sars ready kana ba?" tanong ni Matteo.


"Yup, sandali lang may kukunin lang ako." sabay kuha ng bag nya.



Mommy Divine reminded Matteo na bantayan si Sarah. Natuwa naman si Matteo dahil nagmukha pa syang bodyguard nito.


"Naku, Matteo, bantayan mo yang si Sarah ha baka saan-saan yan mapunta at mawala pa. Tsaka habaan mo rin yang pasensya mo dahil sobrang kulit nyan." paalala ni Mommy D.


"Opo tita, ako po bahala dyan. Igagapos ko po sya kapag malikot" sabay tawa.


Mommy Divine just laugh while Sarah is giving Matteo an evil smile. Parang hindi yata natuwa.


"Ahh. Biro lang yun Sars." sabay kunot sa ulo.





Nagpaalam na sila para maagang makapamasyal. They decided na maghiwa-hiwalay muna para magshopping pero magkikita naman sila sa meeting place para doon magdinner.


Sinamahan ni Matteo si Sarah bumili ng mga pasalubong for her family. They bought clothes, shoes, bags and chocolates.


While namimili si Sarah ng mga damit biniro nya si Matteo tungkol kay Jessy.


"Hoy, hindi ka ba bibili for your love?" sabay siko kay Matteo.


Si Matteo naman ay ngiti nalang ang sinagot.


"Tskk. Anong love ka dyan?" pag iwas ni Matteo.


"Edi, si Jessy. Diba girlfriend mo sya." nagulat nalang si Matteo sa pinagsasabi ni Sarah.


"Hahhahaahahah! sinong nagsabi?" natatawa parin sya.


"Yung mga friends ko sa Glam Team at tsaka yung media rin. Ang sweet sweet kaya ng mga photos nya sa insta. Bakit hindi ba totoo?" tanong nya ulit.

You're My Last-ASHMATT (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon