Here We Go

3.1K 45 2
                                    

Wake up in the morning feeling positive and blessed. Sarah made sure na magpray bago maligo at kumain. After she took her shower ay bumaba na for the breakfast.


"Goodmorning Mommy. Goodmorning Daddy" bati ni Sarah sabay halik.

Nagtinginan nalang ang mga magulang ni Sarah dahil parang kakaiba sya ngayon.

"Nak, okay ka lang ba?" tanong ni Mommy D.

"Opo. Okay na okay." sagot ni Sarah sabay ngiti.

"Nak, nakatulog kaba ng maayos kagabi kasi parang ang ganda ng umaga natin ah." tanong ni daddy.

"Okay naman po yung tulog ko,dy. Tsaka, diba dapat maging greatful tayo sa araw-araw na biyaya na binibigay sa atin ng Diyos" sabi ni Sarah habang naka nganga lang sila.

"AMEN!!" sabay nilang sabi kay Sarah. Nagtawanan nalang sila habang kumakain.




Sarah's POV

I feel great this morning. My family is happy, I'm happy. And ngayon ko lang naramdaman ang feeling nato. Parang every piece of me is complete and blessed.


Mommy talked about ate and their vacation.


"Sya nga pala anak. Dadating ang mga kapatid mo sa friday. And tamang-tama lang dahil wala kang work sa araw na yun. And mabuti narin para makapagbonding narin kayo" sabi ni Mommy.

"That's great my. Excited na akong makita sila lalong lalo na si Gab." sabi ko.

"Naku, siguradong magkakagulo na naman ang bahay. At sigurado akong magkukulitan na naman kayo buong araw." biro ni Daddy.

"Daddy,ikaw talaga. Mas okay na yun kesa ang tahimik ng bahay. And I'm sure may matatalo na namang isa dyan sa chess kapag naglaro sila ni Ate Joana." sabi ko kay Daddy na kumakain.



Chess ang paboritong laruin nila Daddy at Ate kapag wala silang ginagawa. At kadalasan talo si Daddy.



"Sorry nalang ang ate mo dahil pinaghandaan ko talaga ang laro namin. At confident ako na this time ay mananalo ako." pagyayabang sabi ni Daddy.

"Talaga lang ha. Well, tingnan nalang natin kapag naka uwi na sila" sabi ko kay Daddy.

"Naku, Delfin huwag na wag kang magpapatalo sa anak mo. Pag nangyari yun hinding hindi na talaga kita ipagluluto" sabi ni Mommy.

"Ayyy, ang sweet. Si Mommy talaga ang number 1 fan ni Daddy kahit kailan. Paano ba yan Daddy mukhang mapapasabak ka sa giyera nyan?" biro ko kay Daddy.

"Mommy, akong bahala dyan. Magtiwala kalang sa akin. At anak, diba sabi ko sayo fully prepared ako" pahangin na sabi ni Daddy.


After the breakfast ay pinahanda na ni Mommy ang mga gamit ko for my photo shoot today. While waiting ay napansin ni Mommy ang suot-suot kong necklace. She asked me kung sinong nagbigay.


"Ah eto po. Matteo gave it to me kagabi. Tingnan nyo po yung nasa loob oh" sabay pakita ko kay Mommy.

You're My Last-ASHMATT (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon