Chapter 18
Monday
Ako na ata ang pinakamasayang tao sa buong mundo ngayon! Cedrick's just confess to me! Ni hindi ko malaman kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Halo-halong emosyon ang meron ako ngayon. Seeing how happy he is for the rest of our vacation giving me a big happiness to me!
"Hindi ka ba muna matutulog? Malayo pa ang byahe natin." sabi ni Cedrick sabay pisil sa kamay kong hawak niya.
Maharas akong umiling-iling, "Ayoko nga! Baka paggising ko biro lang pala lahat. Mabuti nang gising ako buong byahe hanggang sa maipaalam natin kay Ninang lahat. Para sigurado na ano!"
He chuckled at what I've said. Itinaas niya ang kamay niyang may hawak sa kamay ko pagkatapos ay inilapit 'yon sa mga labi niya. Hinalikan niya ang likod ng palad ko pagkatapos. I slightly blush. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Ngumuso ako para magpigil ng ngiti. I saw him glance at me and smiled.
"Sa daan ka tumingin. Baka maaksidente tayo." ani ko.
At sa muling pagkakataon ay narinig ko ulit ang tawa niya. Mahina lang 'yon pero sapat na para makita kong totoong tawa niya iyon.
"Don't worry. What happened to us was all real. Pagbalik natin ng Maynila, I'm not the same Cedrick you first met since you came back from US. I'm now the Cedrick who make me love you. Now sleep, Sofia."
Hindi ko na napigilan at umalpas na ang ngiti sa mga labi ko. Tumango ako pagkatapos ay sumandal sa balikat niya para sana matulog. Pero kalaunan ay narealize ko rin na baka mahirapan siyang magmaneho kapag nakapatong ang ulo ko sa kanya kaya naman dumeretso na lang din ako ng upo sa passenger seat pagkatapos ay pumikit na para makatulog.
Nagising ako dahil sa naramdaman kong haplos sa pisngi ko. Nagmulat ako ng mata at si Cedrick ang bumungad sa akin. Masyado siyang malapit kaya napapikit ulit ako.
"Hey, baby. Wake up. Nandito na tayo."
"Hmm..." tanging nasabi ko kahit na narinig ko naman siya.
I heard him chuckled for the nth time!
"Kapag hindi ka pa bumaba diyan bubuhatin kita palabas. Nakaabang na pa naman si Mommy doon sa sala."
Idinilat ko agad ang mga mata ko sa sinabi niya. Bubuhatin ako?! Ayoko nga! Kahit pa sabihing boyfriend ko na siya ngayon ay ayoko pa rin. Nakakahiya!
Umayos ako ng upo ko sa kotse dahil doon. Halos nasa pwesto na rin niya ako sa driver's seat. Ngayon ko lang din nalaman na nakaunan ang ulo ko sa balikat at braso niya.
"Let's go! I'm excited to see Ninang!" sabi ko pagkatapos ay binuksan na ang pintuan ng sasakyan at nauna nang lumabas. Saglit ko pang inayos ang mukha at buhok ko nang makababa. Naka park na rin pala sa loob ang kotse niya. Matagal ba kaming nag stay doon?
Nakita kong bumaba na rin ng kotse si Cedrick. He intertwined our hands, making me blush.
Sinalubong kami ni Ninang pagkapasok na pagkapasok ng bahay nila. Nakatanggap ako kaagad ng mahigpit na yakap mula sa kanya. Niyakap ko rin siya pabalik. Halos hindi pa ako makahinga sa tindi ng pagyakap niya.
"Mom, stop it. Hindi na makahinga si Pia." reklamo ni Cedrick.
I just giggled when Ninang look dangerously at his son. Nagtagisan pa sila ng tingin bago lumapit ulit sa pwesto ko si Cedrick pagkatapos ay hinawakan ang kamay ko.
Nakita kong dumako ang tingin doon ni ninang pagkatapos ay mula sa salubong na mga mata at nakapamaywang na mga kamay ay bigla siyang napatakip ng bibig niya at sumilay ang ngiti sa mga labi niya. Nagtitili rin siya na ikinayuko ko.
BINABASA MO ANG
Make Me Love You (21st Century Boys Series #1)
Teen FictionCedrick Lee Vargaz never been fond of falling in love. He focus on his studies, family business, and in his family but not on his life. He clearly don't remember on how to took care of his self and to other people because he only cares on how to bea...