Epilogue

51 2 0
                                    

Epilogue



"Bakit mo nagawa sa akin 'yon, Audrey?!"

Galit na galit kong tinitignan si Audrey habang panay ang pag-iyak niya at paghawak sa kamay ko na tinatabig ko naman kaagad dahil sa galit ko sa kanya.

"C-Cedrick...wala akong k-kasalanan..." she plead.

Matalim ko siyang tinignan habang tumutulo na rin ang mga luha ko. I can't believe this! We were just in our grade 6 pero nahuli ko siyang may kahalikang lalaki kahapon! At sa mismong kaklase pa namin!

"Let her go, Cedrick. Sapat na ang nakita natin di'ba? I told you, she's not good for you."

Narinig ko ang bulong sa akin ni Sofia habang marahan na hinahaplos-haplos ako sa aking likod. I glance at her and saw her usual look. Maamo ang mukha niya at the same time ay bakas ang pagka-spoiled brat. Well, we are born next to each other. Ahead lang ako ng ilang buwan sa kanya pero sabay lang din kaming lumaki na dalawa dahil inaanak siya ni Mommy.

"C-Cedrick? M-Mag-u-usap naman t-tayo oh..."

Bumalik ang huwisyo ko at ibinaling muli ang tingin kay Audrey. Pulang-pula na ang buong mukha niya at napapansin kong namamaga na rin ang mga mata niya dahil sa iyak.

Umiling ako pagkatapos ay akma ng tatalikod nang bigla siyang sumigaw na ikinatigil ko.

"SI SOFIA ANG MAY KASALANAN!" sigaw niya.

I turned my gazed again to Audrey as she said that. Nangungunot ang noo kong tinitignan ko siya pagkatapos ay nilapitan.

"Huwag mong idadamay si Pia dito, Audrey. Ikaw ang nagkasala sa akin." marahang sabi ko pero bakas pa rin ang galit sa aking boses. Ayokong idadamay niya basta si Sofia dito.

Umiling-iling si Audrey pagkatapos ay lumipat ang tingin niya sa gilid ko. Nakita kong kay Pia siya nakatingin na sinalubong din ng matalas na tingin ni Pia.

"Siya ang may kasalanan, Cedrick! Inutusan niya si Jordan na makipagkita sa akin dahil may ipapasabi ka raw! Tapos noong nakita mo kami basta na lang ako hinalikan ni Jordan! T-Tapos k-kahapon si Pia nakita ko siya inaabutan niya ng p-pera si Jordan sa likod ng school... siya ang may pakana ng lahat Cedrick!"

Kumuyom ang kamao ko pagkatapos ay tumingin kay Pia. Kinukumpirma ko kung totoo ba ang mga paratang ni Audrey sa kanya. Tumingin din sa akin si Pia kaya tinanong ko na siya.

"Is that true Pia?"

"Of course not!" mariing tanggi niya. "Don't believe her! She's the one to blame! Ipinapasa lang niya sa akin ang kasalanan niya para patawarin mo siya!"

Huminga ako ng malalim pagkatapos ay nagpasyang umalis na doon. Hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko pero sigurado ako na walang kasalanan si Sofia dito. Gusto lang ni Audrey na ibaling ko sa kanya ang sisi dahil sa pagtataksil na ginawa niya. I'm her boyfriend but she kiss another guy! I can't accept that!

Palaging nasa tabi ko si Sofia kaya hindi ako kaagad naniniwala sa sinasabi ng iba kahit pa maraming bulong-bulungan na may pagkamaldita ang kababata ko. I didn't believe at what Audrey said and accused Sofia over everything not until I saw with my on eyes. Nakita kong kausap ni Jordan si Pia and I can't believe what I've just heard! Nakokonsensya ata si Jordan sa ginawa niya kay Audrey kaya kinausap niya si Pia na umamin na pero pinapatahimik siya ni Pia!

Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa lahat ng naririnig kaya hindi ako nagdalawang isip na magpakita kay Pia noon habang kausap pa niya si Jordan. Gulat na gulat siya nang makita ako. Matalim ko lang siyang tinignan. Sinigurado akong makikita niya ang galit sa mukha ko ng mga panahon na iyon.

Make Me Love You (21st Century Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon