Chapter 24
Boyfriend
Tiim bagang ako habang nakikipag tagisan ng titig kay Audrey. I saw her smirked. Pinag krus niya rin ang dalawang legs niya. Sa ginawa niyang 'yon ay lalong nadepina ang kagandahan ng hita niya kahit na madilim sa bar. Hapit na hapit rin sa kanya ang suot niyang fitted red dress. Nakita kong kumuha siya ng wine na nasa lamesa.
I glance at her once from head to toe. She really looks elegant. Nanliit ako bigla at isiniksik ang sarili ko sa dulo ng sofa ngayon. Nilayo na ang sarili sa kanya lalo pa't may sinabi siyang kinakabahala ko. Itinikom ko ang kamao ko. Aalis na sana ako para hanapin si Cedrick sa dancefloor at yayain ng umuwi pero nakita ko na silang papalapit ulit sa table namin.
Nagsiupo ulit sila sa mga pwesto nila. Hindi nila kasama sina April at Kenzo.
"Sina April?" tanong ko sa kakaupo lang na si Cedrick.
"Iniwan na namin doon. Niyaya ko na kasi sila dito. Nag-aalala ako sa 'yo, naiwan ka dito."
Malalim akong huminga pagkatapos ay tipid na ngumiti. He gently caress my cheeks then guide my head through his shoulder. I somehow felt calm through his arms. Wala siyang alam sa pinag-usapan namin ni Audrey kanina. Ni hindi niya nga alam na nag-usap kami.
Dumilat ako ng mga mata ko mula sa pagkakapikit kanina. Nasalubong ko ang mga mata ni Audrey na nakatingin sa amin.
"Uwi na tayo." sabi ko.
"Huh? Uuwi na tayo?"
Umayos ako ng upo pagkatapos ay tumango habang nakatingala sa kanya.
"Maaga pa..."
"Pero nag text sa akin si Clyder. Sinusundo na niya ata tayo."
"What? Nag text siya sa 'yo?"
Tumango ako, "Hmm-mm. Check mo kaya phone mo."
Ginawa naman niya ang sinabi ko. Nakisilip din ako sa cellphone niya ng gawin niya 'yon. Nakita kong maraming missed call at text sa kanya ang kapatid niya.
Bahagya pa akong napatawa ng mabasa ang iilan sa text ni Clyder dahil ang ilan doon ay minumura na nya ang kapatid niya. Tinignan naman ako ng masama ni Cedrick. Ininguso ko ang labi ko at tumahimik pagkatapos. Kita ko siyang tumayo tsaka niyaya si Audrey na umuwi na.
"Sasama ako!" biglang sabi ko na ikinatingin ng lahat.
Napaatras naman ako bigla nang nagtatakang tumingin sa akin si Cedrick. Dahil siguro sa biglaang sigaw ko.
"Dito ka na lang. Babalik naman agad ako. Sasamahan ko lang si Audrey sa parking lot. Ipapahatid ko siya pauwi kay Clyder. Then we'll go. Okay?" sabi ni Cedrick.
Itinikom ko ang awang kong labi at tumango. Nagsibalikan din sa pag-inom ang iba habang umupo naman ulit ako sa sofa. Pinagmasdan ko lang na humalo ang mga katawan nina Cedrick sa mga taong nasa bar.
Bumalik na ulit sina April sa table namin. Akala ko uupo na sila kaya naman umusog ako para bigyan sila ng puwesto pero laking gulat ko ng hilahin ni April ang kamay ko at pinatayo.
"Let's go, Pia! Let's dance! Wooohhh!" sigaw na anyaya niya sa akin pagkatapos ay nakihalo kami sa mga taong nagsasayawan sa dance floor.
Hindi na ako nakaangal lalo pa't nagsimula ng sumayaw si April. I giggled when she's actually asking me to join her while she's dancing in front of me! Tumawa ako hanggang sa nakisayaw na rin. April seems like she's enjoying it so I should be also right?
BINABASA MO ANG
Make Me Love You (21st Century Boys Series #1)
Teen FictionCedrick Lee Vargaz never been fond of falling in love. He focus on his studies, family business, and in his family but not on his life. He clearly don't remember on how to took care of his self and to other people because he only cares on how to bea...