Chapter 44

29 1 0
                                    

Chapter 44


Love



Matalim ang mga matang nakatingin sa akin si Cedrick. Tahimik kaming nagkakatinginan sa isa't isa hanggang sa basagin ni William ang katahimikan namin.

"Pia... mauuna na ako. Kita na lang tayo ulit. Sige Cedrick."

Nakita kong tumango lang si Cedrick sa kanya ng walang sinasabi pero lumingon ako kay William para magpaalam sa kanya.

"Thank you, William. Hope to see you soon. Ikamusta mo na lang ako sa girlfriend mo." paalam ko.

Tumango siya pagkatapos ay ngumiti. Hindi rin niya siguro inaasahan ang pagkikita nila ni Cedrick ngayon. Well ako rin naman. Hindi pa naman sila maayos. Pero nagpaalam naman ako kay Cedrick sa text. Hindi ba niya nabasa?

"Oo naman. Kita tayo sa kasal mo. Imbitahan mo ko ah?" rinig ko pang biro niya.

Tinignan ko sa gilid ko si Cedrick at nakitang nakatingin lang din siya sa amin.

"Oo naman. Hindi ka mawawala doon."

I waved my hand as I bid my goodbye to him.

"Pia..."

Lumingon ako sa harap nang marinig ang boses ni Cedrick. Magsasalita yata siya pero inunahan ko.

"Mauna na ako. Mukhang may lakad ata kayo."

"Pia." pigil ni Cedrick sa akin hawak-hawak ang kamay ko.

"S-Sige Cedrick. M-mauuna na ako. Sige Pia..." sabi ni Audrey.

Pinagmasdan ko siya nang magsalita siya. Ibang-iba siya ngayon. Parang nawala iyong pagkatapang niya noong high school kami.

"Let's go home." si Cedrick.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga pagkatapos ay pumayag na lang. Sumakay ako sa kotse ko pero agad akong pinigilan ni Cedrick.

"Uuwi na tayo."

"Ako mag da-drive." kalmadong sabi ko.

"No. Doon ka na sa kotse ko. Ipapakuha ko na lang kay Clyder 'to."

Inis akong sapilitang pumasok ng kotse niya pagkatapos ay padabog na sinarado ang pintuan ng passenger seat. Kita kong umikot siya pagkatapos ay umupo sa drivers seat.

Nang makaupo ay tinignan niya ako pagkatapos ay lalapit sana pero tumalikod kaagad ako sa kanya at humarap sa bintana ng kotse.

"Okay. We really need to go home so we could talk." sabi niya pagkatapos ay nakarinig ako ng pag-andar ng makina.

Tahimik naming binaybay ang daan pauwi sa condo ko. Nag-park siya sa parking lot ng condo. Kahit antok na ako dahil sa pagod ay pinigil kong huwag matulog habang nasa byahe kanina o kahit traffic pa.

Bumaba ako ng kotse nang hindi siya tinitignan o nagpapaalam man lang. I am overthinking right now. Lalo pa at hindi man lang siya nagsabi sa akin na magkikita pala sila ulit ni Audrey. Ayos lang naman 'yon kung kaibigan niya pa si Audrey. May kaibigan din naman akong lalaki katulad ni Kenny at William pero nagpaalam ako sa kanya para hindi siya mag-isip ng kung ano. Sana ganoon din siya. Pero mukhang hindi. Binibigla na lang ako minsan ni Cedrick na nauuwi sa hindi namin magandang pag-uusap.

Nagtuloy-tuloy ako hanggang sa makasakay ng elevator. Isasarado ko na sana ang pintuan pero nakita ko ang matatalim niyang mata habang palapit sa akin. Sumakay kami ng elevator papunta sa floor ng unit ko.

Pagkarating ng condo ay inihagis ko lang basta ang dala kong sling bag sa sofa. Dumeretso ako sa kusina para uminom ng tubig. I need to calm down.

Nakita kong sumunod sa akin si Cedrick. Nakataas ang kilay ko sa kanya habang kumukuha ng tubig sa ref.

"Bakit kayo magkasama ni William?"

"Bakit kayo magkasama ni Audrey?" sabay naming tanong ni Cedrick sa isa't isa.

Kita ko siyang nagmasahe sa pagitan ng kanyang mga mata. Tinaasan ko siya ng kilay pagkatapos ay uminom ng tubig.

"I asked first, baby. Bakit kayo magkasama ni William? He's here?"

Bumuntong hininga ako pagkatapos kong ibaba ang baso na ininuman ko kanina.

"I texted you right? O baka hindi mo lang tinignan ang phone mo dahil busy ka?" I sarcastically said.

Nakita kong natigilan siya. Umirap ako pagkatapos ay padabog na nilapag ang baso sa mesa. Umalis ako sa kusina pagkatapos ay dire-diretsong pumunta sa kuwarto ko.

"Pia... Sofia! Let's talk! Huwag mo akong talikuran, Pia!" sigaw niya.

"Fine! Talk. Bakit? Bakit kasama mo na naman 'yong si Audrey? Akala ko ba ayos na sa atin ang lahat? Pinalampas ko na nga iyong huli di'ba? Bakit magkasama na naman kayo ngayon?!" matapang na sabi ko.

"It's because I told her that were getting married!"

"Hindi mo kailangan sabihin 'yon sa kanya!" sigaw ko.

Nagpakawala siya ng malalim na hininga pagkatapos ay sinubukan akong lapitan. Masuyo niya akong hinawakan sa braso habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.

"I know. But I want to tell her that I am happy now. Gusto ko rin na maging masaya siya. Naging kami noon at alam kong minahal niya rin ako noon. She confess to me everything. Sinabi niya sa akin lahat lahat ng ginawa niya sa 'yo at hindi ko siya mapapatawad. But...were now getting married, I want to tell her that I already forgave her. Just like you. Gusto kong kapag kinasal na tayo ay wala tayong kinamumuhiang tao. I want us to live peacefully so I forgave her. At alam kong ganoon din ang gusto mong mangyari kay William."

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Mahinang sagot ko.

"I... I want to tell you this after but that incident happen. I accidentally saw you.. with William."

Nagbaba ako ng tingin. I suddenly bit my lips.

"I also announce to him that we're getting married. Kaya nakipagkita ako sa kanya para sabihin iyon."

Nakita ko ang paglunok niya at pagtango. Bumuntong hininga siya pagkatapos ay hinigit niya ako para yakapin at gawaran ng masuyong halik sa buhok ko.

"I'm sorry for not telling you. I'm loyal to you, Pia. I've never cheated on you." bulong niya habang yakap ako.

Hindi ako sumagot pero humigpit ang yakap ko sa kanya. He keeps whispering 'I love you' to me as his responds.



Make Me Love You (21st Century Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon