Chapter 21

20 0 0
                                    

Chapter 21


Purpose



Tahimik ako buong byahe papunta sa bahay nina Cedrick. Malayo ang isipan ko at nakatingin lang sa labas ng kotse. Pinagmamasdan ang mga iba pang dumadaan na sasakyan. Out of nowhere, napatingin ako sa gilid ko kung saan nakaupo ngayon si Clyder. Family driver nila nagmamaneho ng kotse na sinasakyan namin ngayon.

"Stop using cellphone. Kanina ka pa riyan." sabi ko nang makitang hindi niya tinitigilan ang cellphone niya kanina pa.

Lumingon siya sa gawi ko ng nakangiti. Ang saya ah? Sino kayang ka-text mate niya? Nangingiti ang loko, e. I also wondered if Cedrick is like this whenever were texting? I don't know. Bihira lang ngumiti 'yon lalo kapag mag-isa lang.

"Bakit ba? Don't worry. Tsaka traffic pa naman. Malayo pa tayo sa bahay. Tsaka tinetext ko na si Kuya na kasama kita." sabi niya pagkatapos ay nilingon ulit ang cellphone niya nang tumunog 'yon.

Bumalik na ulit ang atensiyon niya doon at nakuha pang dalawang kamay ang gamit niya sa pagtitipa ng siguro ay reply sa kausap niya. He even chuckled after.

Sumandal na lang ulit ako paharap sa bintana ng kinauupuan ko ngayon at hindi na siya pinansin. Naramdaman ko na lang ulit ang pag-usad ng sasakyan at pagkawala namin sa gitna ng traffic.

Nang makarating sa bahay at sinabihan ako ni Clyder na bumaba na ay parang nagdalawang isip ako bigla. Anong idadahilan ko kung sakaling magtanong si Ninang o kaya si Cedrick na kung bakit ako nandito? Anong sasabihin ko? Tatanungin ko kasi ang anak niyo Ninang na kung bakit hindi niya ako sinundo at sumama sa babaeng iyon. Ganoon ba?

I rolled my eyes before I decided to get out of the car. Hawak-hawak ko sa kamay ko ang school bag ko nang nilapitan ko si Clyder na naghihintay sa akin para bumaba.

Hindi siya nakatingin sa akin pero alam kong alam niya na nasa harapan niya lang ako. He was busy texting again with his phone.

"Ang tagal mo naman bumaba. Pasok na tayo sa loob. Sa loob mo na lang hintayin si Kuya." sagot niyang hindi tumitingin sa akin.

Aamba na sana siyang papasok sa loob nang pigilan ko siya sa kamay. Halos di ako makatingin sa kanya dahil sa gusto kong sabihin.

"Sandali lang. Pwedeng huwag na? Iuwi mo na lang pala ako sa bahay." sabi ko.

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Huh? Bakit? Pumasok ka na. Hintayin mo na lang si Kuya. Saglit lang naman 'yon." sabi niya.

"H-Hindi na. Iuwi mo na lang ako. I change my mind." sabi ko pagkatapos ay nag-iwas ng tingin.

Bumalik lang ulit ang tingin ko kay Clyder nang marinig kong tumawa siya. Kumunot-noo ako at kusang napaarko ang isang kilay ko sa pagtawa niya. Halatang para sa akin 'yon dahil nakatingin siya sa akin habang tumatawa pa na may kasamang halakhak.

"Ikaw kasi eh, may sinamahan lang na babae ang Kuya nagselos ka na agad. May pasugod-sugod ka pa dito sa bahay." aniya pagkatapos ay tumawa ulit.

Nagpantig ang tenga ko sa sinabi niyang nagseselos ako at halos umusok ang dalawa kong ilong sa kanya. Pinigil ko ang sarili ko at baka bigla ko itong mabatukan kahit pa halos magkasingtangkad lang kami.

Magsasalita sana ako at dedepensa sa sinabi niya sa akin nang biglang bumukas ang pintuan sa harapan namin. Iniluwa no'n si Ninang na may hawak pa na sandok.

"Oh anak nandiyan ka na pala." sabi ni Ninang kay Clyder.

"Hi, Ma." si Clyder na humalik sa pisngi ng mommy niya. "Kasama ko po si Pia." turo niya sa 'kin.

Make Me Love You (21st Century Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon