Chapter 5

36 7 4
                                    

Chapter 5


Curious



Days and weeks have passed but my 'so called' relationship with Cedrick is not so good. Kinakausap-kausap naman niya ako pero puro tipid ang mga natatanggap kong mga sagot mula sa kanya. Si ninang din ay busy pa kaya hindi ako matulungan ngayon.

"Kumusta ka?" tanong ni Kenny na nasa harapan ko.

Tamad kong nilapag ang frappe sa table. Nandito kami sa coffee shop ngayon sa mismong school lang din. Masyadong mayaman 'tong school na 'to para magkaroon ng iba't ibang shop na ganito para lang sa mga estudyante. I even saw clothing shop here inside the school! Para raw sa mga estudyanteng gustong magpalit ng damit tuwing may extracurricular class o mga role playing sa classroom para raw hindi na sila bumili sa labas. Nagmukhang small community na itong school sa mga shops pa lang.

"Not really good."

Tinignan ko siya habang hawak niya ang kanyang cellphone. Pawang may ka-text. Tumaas ang kilay ko sa kanya at nagkibit-balikat.

Uminom ako sa frappe na hawak ko pagkatapos.

"Bakit 'di mo pala kasama si April? Baka magselos na naman 'yon."

Sumulyap siya sa 'kin saka itinago ang cellphone niya.

"I texted her already, pinapapunta ko rito."

Tumango ako pagkatapos ay nagpaalam ako sa kanya na mag c-cr lang. Pagbalik ko ay nandoon na si April na nakikipag-usap kay Kenny. Kaagad din nila akong napansin ng makaupo sa harapan nila.

I wave my right hand at April saka siya nginitian.

Tinaasan niya ako ng isang kilay nang makita ako. I rolled my eyes at her. Tss... eto na naman kami.

"I'm really bothered kung paano kayo naging mag-bestfriend," April said.

"Why? Bawal ba maging mag kaibigan ang babae at lalaki?" tanong ko.

"That's true. We're just friends, baby," sabi ni Kenny.

Napalabi si April. Naglalambing niyang hinawakan sa braso si Kenny saka inihilig ang kanyang ulo sa balikat niya. Tumaas naman ang kilay ko sa eksenang 'yon. Pwede bang mag-PDA dito? Oh well, kahit yata hindi pwede ay gagawin pa rin. I rolled my eyes.

"Anyway, have you seen Cedrick?" tanong ko.

Napatigil sila sa paglalandian saka tumingin sa akin.

"You like Cedrick, do you?" April said.

"So what if I am?" matapang kong tanong.

Bahagya siyang humalakhak. "Really? The last time I check todo iwas 'yon sa mga girls. Ang inaalala lang lagi niya ay kung paano talunin sa rankings ng school ang number one top student dito."

"Really?"

"Yeah."

Kaya pala lagi ko siyang nakikitang puro libro ang dala at madalas na nasa library? He's so competitive then!

Nagpaalam ako sa kanila at iniwan na sila doon. Naglalakad-lakad ako hanggang sa mapapunta ako sa may bulletin board sa tabi lang ng broad casting station dito sa school.

Nagbasa ako ng mangilang-ngilan sa mga nakapaskil na papel doon.

May mga hiring sa pagiging DJ sa broad casting station. May iba rin na nagpapaskil ng mga quotes at ang iba naman ay love notes! Tsk! Paraan para magkajowa. But suddenly I smiled. Magpaskil din kaya ako rito at sabihing para kay Cedrick 'yon ano?

Make Me Love You (21st Century Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon