Chapter 30
Discipline Committee
"Pinapatawag daw kayo sa guidance office, Audrey."
Lumingon ako kay Dylan na nasa harap. Katabi ko si Audrey na siyang sinabihan niyang pumunta doon.
"What? Bakit ako?"
Nilingon ko si Audrey na nakakunot ang noo. Sinusuklayan niya ang buhok niyang gulo-gulo dahil sa ginawa nilang pag-aaway kanina ni Pia.
"Hindi lang ikaw. Inutusan ko na rin ang ibang SSG Officers na sunduin si Sofia. Nakarating sa kanila ang ginawa niyo. And you know that we can't tolerate that."
"Tsk! Siya ang nag-umpisa ng away!"
"Sa office mo sabihin 'yan." simpleng sabi ni Dylan.
He is our SSG President so he's kind of responsible for those students who does bad things to our school. I seriously looked at them while they are talking.
"Tsk! Oo na!" si Audrey.
"Sasama ako." sabi ko pagkatapos ay tumayo.
"Cedrick? You'll stay as my witness, right? Tignan mo naman ang ginawa sa akin ni Pia!"
I glance at her then turn my attention to Dylan. "Pwede naman, hindi ba?"
Tumingin lang din siya ng isang beses sa akin pagkatapos ay kay Audrey.
"Pwede naman,"
Tumango ako pagkatapos ay sumunod sa kanila. Pumunta kami sa office kung nasaan ang discipline committee. Nadatnan ko doon si Pia at parang kanina pa sila naghihintay. Naupo si Audrey sa visitor's chair katapat lang din ng upuan ni Pia. Pumunta naman ako sa gilid ng likod ni Audrey para doon tumayo. Katabi ko si Dylan at ang ilang officers.
Nangungusap ang mga mata ni Pia ng magkatinginan kami. Nasa likod ako ngayon ng upuan ni Audrey kaya malaya ko siyang natititigan mula dito.
The guidance counsellor started discussing on what happened early this morning. Hindi ako nagsasalita at pinapakinggan lang sila. Si Audrey ang nagkwento ng lahat. Ni hindi ko napansing nagsalita si Pia. Basta nakatitig lang ako sa kanya habang siya naman ay malalim ang iniisip. Nakikita ko rin ang pangingilid niya ng luha na nagpalunok sa akin.
Ikinuyom ko ang kamao ko nang maramdaman ang halo-halong emosyon sa dibdib ko. Guilt, hatred, and...frustration.
"Alam niyo bang sa ginawa niyo ay pwede kayong ma-expelled sa school?" sabi ng guidance.
Nagprotesta agad si Audrey pero nakatuon lang ang buong atensiyon ko kay Pia. Nag-iwas na siya ngayon nang magtama ang tingin naming dalawa.
"Wala po akong kasalanan, Ma'am. She's the one to blame here!"
"Tama na 'yan, Audrey." singit ko dahil napapabuntong hininga na rin sa kanya ang guidance counsellor.
Nakita kong nag-angat ng ulo si Pia ng magsalita ako. Galit pa rin ako sa kanya. Galit na galit ako sa ginawa nila. Pero may parte sa akin na nagdududa sa nangyayari. I know... I know she can't do that but f*ck! Kita kong siya 'yon! Siya 'yong kasama ni William na naghahalikan sa video!
"Bakit mo ako pinatigil kanina? You should defend me, Cedrick!"
"Shut up! Anong sinabi mo kay Pia para saktan ka niya ng ganyan? I'm sure may ginawa ka kaya ka niya sinaktan!" sigaw ko kay Audrey nang kami na lang ang magkasama dahil sinabihan na kami ng guidance counsellor na magsipasok muna sa mga klase namin.
BINABASA MO ANG
Make Me Love You (21st Century Boys Series #1)
Novela JuvenilCedrick Lee Vargaz never been fond of falling in love. He focus on his studies, family business, and in his family but not on his life. He clearly don't remember on how to took care of his self and to other people because he only cares on how to bea...