Chapter 26
Busy
"Saan ka pupunta? Cedrick! Hindi ka pa tapos kumain!"
"I'll be fine! Nakakain naman na ako."
"Baka magkasakit ka!" bulyaw ko.
Ayaw makinig sa akin at kakatapos pa lamang kumain ay aalis na agad!
"Hindi naman ako tatakbo. Kumain ka lang diyan. Babalikan kita mamaya pagkatapos mo kumain para maihatid kita sa room mo."
Aangal pa sana ako pero bitbit na niya ang bag niya at mabilisan akong hinalikan sa pisngi.
Busangot ang mukha ko habang kumakagat ng egg sandwich na binili namin kanina. Inuuna niya pa 'yung Audrey na 'yon kesa sa akin!
"O, bakit naman nakabusangot ang mukha mo? Ang ganda ganda mo pa naman."
Nag-angat ako ng tingin at nakita si William na malawak na nakangiti sa akin.
It's been months since they are enrolled. We are in our graduating phase this senior high. Stem ang kinuha niya. Iba sa amin na mga ABM. Busy na kaming lahat lalo at graduating na. Kaya panay ang alis ni Cedrick dahil lagi siyang tinatawagan ni Audrey dahil magkagrupo ata sila sa practical research subject naming mga seniors.
Madali rin nakasabay sa amin si William. Ang buong akala nila ay hindi siya marunong managalog dahil ang pakilala niya ay kauuwi lang niya galing ng Amerika. Hindi nila alam na Pilipino naman talaga si William. Sa Amerika lang sila nakatira dahil nag-migrate roon ang pamilya nila. Doon ko lang din siya nakilala and it turns out we became lovers.
"Wala. Pagod lang ako." sagot ko.
"Iniwan ka na naman ni Cedrick, 'no?"
"William." banta ko sabay tingin ng masama sa kanya.
"Sorry. Nag-aalala lang naman ako sa 'yo." mahinang bulong niya at parang na-offend ng bahagya dahil sa diin ng pagkakatawag ko ng pangalan niya kanina.
Malalim akong napabuntong hininga pagkatapos ay tinapos ang pagkain ko.
"I'm fine. Don't mind me." sabi ko.
Hindi ko na narinig pa ulit ang boses ni William kaya nagkibit-balikat na lang ako. Nag-reply ako sa mga ka-groupmates ko sa gc dahil pinag-uusapan din namin ang ginagawa naming research project.
Nag-angat ako ng tingin ng makitang may kung anong pumatong sa mesa. Pagkakita ko doon ay nakakita ako ng ice cream sundae. Kumunot ang noo ko kay William na naglagay noon sa lamesa.
"Eat up. Sa iyo 'yan." sabi niya.
I smiled and mouthed thank you. Kinain ko ang ice cream habang nagpapalipas ng oras.
Five minutes na lang bago mag start ang klase ko pero wala pa rin si Cedrick. Tinignan ko siya sa bukana ng pintuan sa canteen. Wala ni isang senyales niya. Napayuko ako habang nililigpit ang gamit ko. Tumayo na ako pagkatapos ay lumabas ng canteen.
Nagpasya akong pumasok na dahil baka ma-late pa ako. Nililingon-lingon ko ang likod ko baka sakaling makita at maabutan niya ako pero wala. Ako lang mag-isa ang bumalik sa classroom ko dahil umalis na kanina pa si WIlliam. Ayoko rin na madalas kaming makita ni Cedrick na magkasama. Iniiwasan kong mag-isip siya ng masama tungkol sa amin.
"Pia!"
Narinig ko ang sigaw ni Cedrick sa likod ko kaya agad ko siyang nilingon. Tumatakbo siya palapit sa akin bitbit ang kanyang bag. Huminto ako para hintayin siya. Hingal na hingal siya nung makalapit.
BINABASA MO ANG
Make Me Love You (21st Century Boys Series #1)
Teen FictionCedrick Lee Vargaz never been fond of falling in love. He focus on his studies, family business, and in his family but not on his life. He clearly don't remember on how to took care of his self and to other people because he only cares on how to bea...