Chapter 15

23 2 0
                                    

Chapter 15


Room



Dumating na ang araw na pinakahihintay ng lahat ng estudyante. Ang magbakasyon. I plan to enjoy our short vacation pero mukhang hindi mangyayari 'yon dahil sa lalaking kasama ko ngayon na walang ginawa kung hindi ang magsisigaw at pagsisipain ang pinto.

"Argh! Will you please shut up Cedrick? Kanina pa naririndi tenga ko sa'yo. Stay calm! Will you?" irita kong sabi.

Masama ang tingin niyang lumingon sa akin. Kitang-kita sa ilalim ng makapal niyang kilay at salamin ang pagkabusangot ng mukha niya. I rolled my eyes.

"How can I calm down?! Tell me! You lock me in this private resort! Damn it!"

Imbis na matakot dahil sa malutong niyang mura ay napaikot lang lalo ang mata ko at napabuntong hininga ng malala.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa couch dito sa bahay bakasyunan nina Ninang Mel kung saan niya kami dinala ni Cedrick. Hindi ko nga lang alam kung alam ba ito ni Cedrick kasi sabi ni Ninang sa akin dati na wala pa raw nakakapunta dito.

Pinaikot-ikot ko ang susi sa kamay ko habang papunta kay Cedrick na hanggang ngayon ay naghihimutok pa rin sa pinto na akala mo iyon ang may kasalanan.

"Here's the key. Go and open the door." kalmado kong sabi.

Inagaw niya sa akin ang susi at tiim bagang akong tinignan. He really looks pissed off. I chuckled.

"What's funny?" tiim bagang niyang tanong.

I shook my head and bit the insides of my gum to stop myself from laughing.

Ginawaran niya muna ako ng masamang tingin bago niya sinusian ang doorknob. He opened the door and the beautiful view of Tagaytay welcomed us.

Lumabas siya agad nang makitang bukas na sa wakas ang pintong kanina pa niya pinagsisipa nang I-lock kami ni Ninang sa kanilang private resort na mag-asawa. Sinundan ko agad siya at tumabi sa gilid niya.

"Ang init kasi bigla ng ulo mo noong ni-lock tayo ni Ninang, e. Hindi mo muna tinanong kung meron ba akong susi ng bahay." bulong ko sa kanya na may halong pang-aasar sa boses ko.

"Shut up!"

I giggled at his response. Mukhang tinamaan siya doon ah? May kahinaan din pala talaga minsan ang matatalino. Lalo na si Cedrick na iritang-irita nang pwersahan siyang pagbakasyunin ni Ninang kasama ko.

Nakita niya ang kotseng nakaparada sa tabi ng bahay. Iniwan 'yon sa amin ni Ninang para magamit namin. Malalaki ang hakbang niyang lumapit doon. Napabuntong hininga na lang ako sabay pinaikutan siya ng mata. Alam ko na gagawin neto.

"Where's the f*cking key of this car?" pasigaw at tiim bagang niya pa ring sabi.

Kinuha ko mula sa bulsa ng short ko ang susi ng kotse pagkatapos ay itinapat 'yon sa kanya.

"Here's the key." I then smiled.

"What's funny?" tanong niya saka niya inagaw mula sa akin ang susing nakabitin sa ere.

"Nothing," nagkibit balikat ako. "Anyway, aalis ka?" mapanuya kong tanong kahit halata naman dahil pinatunog na niya ang kotse at binuksan ang pintuan ng driver's seat.

"What do you think huh? I'm not staying here for that so damn called vacation!"

"Oh? So aalis ka nga? Sigurado ka?"

Aamba na sana siyang papasok sa kotse nang bigla siyang mapahinto dahil sa sinabi ko.

"Why? What are you planning to do? Pipigilan mo 'ko?" umiigting ang pangang sabi niya.

Make Me Love You (21st Century Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon