Chapter 43
Happy
Pagkatapos ng nangyaring proposal ay nagkaroon ng kaunting salo-salo kasama ang mga pamilya namin at malalapit sa amin. Hindi ko alam na pinagplanuhan pala talaga nila ito.
They set this all up to surprise me. Sinadya raw talaga nila na samahan muna akong maglibot-libot sa mall nina Kenzo at April para makapag set-up sila ng surprise proposal sa rooftop ng building.
Napangiti ako nang may maramdamang kamay na pinisil-pisil ang kamay ko. Tinignan pa niya ang singsing na sinuot niya doon.
"I'm the happiest man alive now." he whispered.
I giggled. "And I'm the happiest girl in the world now."
He smiled then give me a swift kiss. "I love you."
"I love you."
Halos magmamadaling araw na kaming natapos lahat at kung hindi pa kami binawalan ni ninang ay talagang hindi sila titigil sa kasiyahan. I've told them also that I have work to do kaya nagsitulog na rin kami pagkatapos. Hindi ko na rin pinauwi sa condo niya si Cedrick dahil nakainom din siya. Ayaw din naman niyang umuwi dahil gusto niyang nasa tabi ko.
Napapangiti ako habang inaalala lahat ng 'yon.
Kinabukasan ay maaga pa rin kaming nagising ni Cedrick dahil may trabaho kami pareho. Umalis siya kaagad pagkatapos naming mag-almusal. He told me that we will meet later after work.
Naligo na rin ako at nagbihis para pumunta na ng office. Pagdating doon ay gulat pa ako dahil binabati ako lahat ng congratulations. Doon ko lang nalaman na ipinagkalat na pala ni Ninang ang nangyaring engagement namin ni Cedrick. Natawa na lang ako nang ikwento ni Rubi iyon sa akin.
Si Ninang talaga... Bulong ko habang umiiling-iling pero nakangiti naman.
Pababa ako ng elevator nang makatanggap ako ng chat message kay William pagkarating ng hapon. He says that he's here and he wants to see me.
Nag-alangan ako noong una pero nagdesisyon pa rin akong kitain siya dahil wala namang masama. I also want him to know that I'm finally getting married! Alam kong mabibigla siya pero sasabihin ko naman ang lahat. After all, he still became a good friend of mine. Lalo na noong nasa Amerika ako.
Nag undertime ako sa trabaho para makipag kita sa kay William. Pasado alas tres ng umalis ako. Tinext ko rin kanina si Cedrick para sa lakad kong ito. Sinabihan ko rin siya na kung sakaling hindi pa ako makauwi sa office para sunduin niya ay puntahan niya na lang kung nasaan kami ni William. I'm sure he'll understand why am I seeing William right now.
Luminga-linga ako sa loob ng mall habang tinitignan na baka sakaling nandito na si William. I saw a familiar face near some clothing store.
"William!" halos pasigaw kong sabi.
Tumingin siya sa akin pagkatapos ay ngumiti. Sinalubong niya ako ng yakap kaya ganun din ang ginawa ko.
"How are you?" masaya niyang bungad.
Nakangiti ako nang maghiwalay kami sa yakap pagkatapos ay itinaas ang kamay kong may nakalagay na singsing.
"You're married?!"
Ramdam ko ang gulat sa kanyang tanong pero nakikita ko rin ang ngiti sa kanyang mga labi. Nanlalaki rin ang kanyang mga mata na ikinatawa ko.
"Nope. Ikakasal pa lang. But I'm engaged!" masayang sabi ko.
Tumango-tango siya pagkatapos ay ngumisi.
"Hulaan ko. Si Cedrick 'yan ano?"
Nahihiya man pero tumango ako. Humaklak lang siya pagkatapos ay bahagyang ginulo ang buhok ko.
"I'm happy for you," he said.
"Thank you..." I response while still smiling.
Kahit pa niloko ako noon ni William noong kami pa ay alam ko rin naman na minahal namin kahit papaano ang isa't isa. We also became good friends now. Isa pa... alam kong mas masaya kami sa kung anong meron sa aming lahat ngayon.
Niyaya ako ni William na mamasyal dito lang din sa loob ng mall. Ayaw na naming lumayo at sinabihan ko siyang baka magkikita kami ni Cedrick mamayang alas singko.
Umuwi pala siya ng Pilipinas para lang magbakasyon. Tinanong ko rin bakit hindi niya sinama ang girlfriend niya. Ang sabi niya nauna lang daw talaga siya at susunod ang girlfriend niya bukas. Susunduin niya ata sa airport. Sinabi kong sasamahan ko siya pero sabi ay huwag na rin at mag-set na lang kami ng date para makapag bonding kaming lahat.
"So when do you two plan on getting married?" tanong ni William habang naglalakad-lakad kami sa loob ng mall.
Katatapos lang namin mamasyal at magkapagkwentuhan ng kaunti. Tinignan ko ang oras, 4:30 pm. Malapit nang matapos ang office hours ni Cedrick. Susunduin kaya niya ako? Baka kasi hindi niya nakita ang text ko lalo pa't wala akong nareceive na reply sa kanya.
"Hindi pa namin napag uusapan, eh. Pero siguro by this year." sagot ko.
Tumango-tango si William pagkatapos ay napansin niya ang jewelry store na dinaanan namin.
"Sandali lang. Dito muna tayo." si William pagkatapos ay hinila ako sa loob.
"Ano bang gagawin natin dito?" tanong ko.
Tinignan ko ang mga jewelry doon na talagang magaganda. Napansin kong pumipili si William ng singsing. Huwag niyang sabihing? Napangiti ako pagkatapos ay nilapitan siya.
"Huwag mong sabihing nagpo-propose ka rin?" mapanuya kong sabi.
"Oo. Paghahandaan ko pa lang." seryosong sabi niya na ikinagulat ko pero agad ring napangiti.
Pinagmamasdan ko si William na busy sa pamimili ng singsing. Kinakausap-kausap niya pa ang sales lady doon. Napangiti ako sa isipin na ganito rin kaya si Cedrick noong bumili siya ng singsing? Hindi ko alam ang reaksiyon niya pero kusang kumawala ang ngiti sa labi ko. Saglit pang tumingin sa akin si William na kumunot ang noo.
"Why?" tanong niyang nakatingin sa akin habang salubong ang kilay.
Bahagya akong tumawa pagkatapos ay umiling-iling. "Wala 'yon. Huwag mo nang pansinin."
Umingos siya pagkatapos ay nagkibit balikat. Itinuon niya ulit ang atensyon sa sales lady.
"Alright! Tulungan na kitang pumili." masayang sabi ko pagkatapos ay pumili ng mga nagugustuhan kong engagement ring na sa tingin ko ay babagay sa girlfriend niya.
Palabas na kami ng jewelry store dahil nakapili na si William ng singsing na natipuhan niya. Pero saktong pagkalabas namin ay agad namang nakasalubong namin si Audrey. Hindi ko sana papansinin pero nasa gilid din niya si Cedrick.
What are they doing here?
BINABASA MO ANG
Make Me Love You (21st Century Boys Series #1)
Teen FictionCedrick Lee Vargaz never been fond of falling in love. He focus on his studies, family business, and in his family but not on his life. He clearly don't remember on how to took care of his self and to other people because he only cares on how to bea...