Chapter 7

34 9 0
                                    

Chapter 7


Help



Naiirita akong pumasok sa loob ng bahay. Nadatnan kong nanonood si mommy at daddy sa sala. Kanina pa siguro umuwi galing office dahil pasado alas siyete na rin. Tahimik akong humalik sa kanila sa pisngi. Pumasok ako sa loob ng kuwarto para makaligo na.

Nakapikit akong bumubulong-bulong habang nasa ilalim ng maligamgam na tubig sa shower. Challenge accepted? Anong tingin niya ro'n? Well, hinamon ko nga naman siya... And I will make sure that I will win. No matter what!

Kung nagawa ko noon. Magagawa ko rin ngayon!

Nagsuot ako ng pambahay na damit na short and spaghetti strap na sando. Tinawag ako ni mommy dahil kakain na raw. Mabilisan ang ginawa kong pagkain para makapanik ako kaagad sa kuwarto. I want to rest. Thinking what he told me earlier at school filled my mind throughout our dinner.

Kinuha ko ang cellphone ko dahil narinig kong nagri-ring 'yon. Napangisi ako nang makita kung sino ang caller.

"Hi! Ninang! Kumusta po?" matamis kong bungad nang sagutin ko ang tawag niya.

Naring kong napahalakhak ang kabilang linya.

"How are you, darling?"

"Ayos naman po."

"Eh kayo ni Cedrick?"

Napanguso ako nang mabanggit niya ang pangalan ng panganay niyang anak. Umupo ako sa kama ko habang kausap pa rin si ninang.

"You know ninang? Hindi po ako pinapansin ng anak niyo. Lagi niya po akong iniiwasan sa tuwing magkikita kami. Ayaw niya po yata sa 'kin, e." sabi ko na may halong nagpapaawa sa boses.

"Aww... Is that true hija?" tanong niya.

Tumango ako na tipong nakikita ng kabilang linya.

"Opo..."

Rinig ko ang buntong-hininga ni Ninang sa kabilang linya. "Don't worry... I'll help you. Nagpapakipot lang naman 'yang anak ko. Nagpapalambing lang 'yan."

Natawa ako sa mga pinagsasabi ni ninang tungkol kay Cedrick. Nagpaalam na siya dahil maghahain pa raw siya ng kakainin nila. Sinabi niya na dadalaw na lang siya sa school para makapag-usap kami ng maayos. Um-oo na lang ako pagkatapos ay nagpaalam para patayin ang tawag.

Kinabukasan ay si Dad muli ang naghatid sa akin papunta sa school. Dumediretso na rin kasi sila ni mommy sa office pagkatapos. Maganda rin daw 'yon dahil pare-pareho kaming nagmamadali. Although, hindi naman ako na la-late. Sila lang dahil traffic papunta doon sa office.

Hinalikan ko sina mommy at daddy bago lumabas ng kotse. Kumaway pa ako sa kanila habang papaalis ang kotse sa harapan ko. Papasok na sana ako sa loob ng school nang makarinig ako ng pagbusina ng kotse. Nilingon ko ang likod ko at mukhang ako nga ang binubusinaan. Tumabi ako sa gilid para makausog ang gray na kotse at makadaan kahit na parang hindi naman ako nakaharang. Bumaba ang salamin sa driver's seat. Nakangiting bumungad sa akin si ninang. Ningitian ko siya pabalik tsaka sabay na kumaway.

"Hi, ninang!" bati ko.

Ngumiti siya sa akin pagkatapos ay bumaba mula sa driver's seat ng kotse. Nakita kong bumukas ang pintuan ng back seat. Iniluwa noon si Cedrick na lalong ikinalapad ng ngiti ko.

Tumingin siya kay ninang pagkatapos.

"Mom! Bakit hindi mo man lang pinasok muna sa loob itong kotse bago mo ako pinababa." iritadong sabi ni Cedrick sa mommy niya.

Make Me Love You (21st Century Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon