Chapter 20

23 0 0
                                    

Chapter 20


Number



Bakas sa mukha ni Cedrick ang gulat. Nakita ko 'yon. Lalo pa't nasaksihan ko ang bahagyang pag-awang ng kanyang mga labi nang marinig ang pangalang binitawan ni Clyder.

"Cedrick." mahinang tawag ko.

Tumingin siya sa akin at parang sa pagtawag ko lang sa pangalan niya siya bumalik sa huwisyo.

"H-Huh?"

Binitawan ko ang frappe ko sa lamesa. "Are you okay?"

"Y-Yeah... ayos naman ako," halos pautal niyang sabi.

Tumango-tango naman ako ulit pagkatapos ay uminom ulit sa frappe na hawak ko.

"Sigurado ka ba na ako ang hinahanap? Baka ibang tao." si Cedrick.

Kita kong nagkibit balikat si Clyder pagkatapos ay inilapit sa kanya ang isang slice ng chocolate cake na kasama rin sa in-order kanina ni Cedrick. Kinuha niya ang tinidor sa gilid no'n pagkatapos ay sinimulang kainin ang cake. Tumingin siya sa Kuya niya pagkatapos.

"Oo, Kuya. Tinanong nga niya kung ako raw ba si Clyder Lee Vargaz eh. Nang sinabi kong oo gulat na gulat pa siya at ang laki-laki ko na raw. Kung dati raw kasi naalala niya hinahatid-sundo niyo pa ako noong nasa kinder ako." kwento sa amin ni Clyder pagkatapos ay sumubo ulit ng chocolate cake na kinakain niya.

Parang may nagbara sa lalamunan ko at hindi ko malunok-lunok ang frappe na iniinom ko sa ikinuwento ni Clyder ngayon-ngayon lang. Parang nagbalik ang mga ala-alang ayoko ng alalahanin pa. Because I knew, alam ko ang tagpong 'yon. Alam ko ang ikinuwento ni Clyder dahil nakita ko rin 'yon noon. Noong bata pa ako. Kami.

"Ang sabi niya kaibigan mo raw siya noong bata pa kayo e, Kuya. Audrey Guevarra daw pangalan niya at pakilala niya sa akin. Pero alam mo Kuya? Parang pamilyar nga siya sa 'kin. Parang nakita ko na siya nung bata ako. Hindi lang masyadong klaro." si Clyder ulit habang nilalantakan ang cake na kinuha niya.

Tumingin ako sa tabi ko at sana pala hindi ko na lang ginawa dahil nahuli ko siyang nakatingin rin sa akin! Nag-iwas agad ako ng tingin at nagkunwaring umiinom ng frappe kahit na hirap na hirap akong lumunok.

"Oh ano Kuya? Kilala mo ba 'yung Audrey?"

"Oo. Kababata ko rin siya noon..." mahinang sabi ni Cedrick.

Tumango-tango naman si Clyder pagkatapos ay itinuloy ulit ang pagkain niya. Nanghingi pa nga siya sa kape ni Cedrick dahil nabulunan ata siya sa kinakain niya. Tahimik lang kami at halos si Clyder lang ang nagsasalita sa amin. Gulat nga ako at hindi halos binawalan ni Cedrick ngayon ang kapatid niya. Nanghingi kasi ng pera sa kanya si Clyder dahil bibili raw siya nung chocolate cake na kinain niya kanina at ng frappe. Masarap daw kase. Binigyan naman siya agad ni Cedrick ng walang kahit anong sinasabi ngayon. Kung dati-rati kasi susungitan muna niya ang kapatid bago bigyan.

"Salamat Kuya ah. Ibabalik ko na lang 'to kapag binigyan na ulit ako ni Daddy. Si mommy kasi eh! Tinitipid niya ko!"

"Pano'ng hindi ka niya titipirin eh ang gastos mo." si Cedrick.

Doon lang yata siya nagsalita na mahinang ikinatawa ko pa. Salubong naman ang mga kilay sa amin ni Clyder pagkatapos ay nagpaalam na. Aalis na rin sana kami pero biglang bumalik sa harapan namin si Clyder. May kinuha siya mula sa bulsa niya na tingin ko ay maliit na papel. Inabot niya 'yon kay Cedrick.

"Pinapabigay pala ni Audrey, Kuya. Kung sakali raw na makita kita. 'Yan daw ang number niya. Sige alis na 'ko. Bye, Pia!"

I saw Clyder wave at me but I didn't bother to wave back. Nakita ko siyang nagpunta sa counter para siguro bumili. Tinapunan ko ng tingin si Cedrick ngayon. Nakita kong nakatingin siya sa maliit na papel na binigay ni Clyder sa kanya.

Make Me Love You (21st Century Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon