Chapter 23
Celebrate
Pinuntahan ko agad sa classroom niya si Cedrick nang mabalitaan kong ngayon na ilalabas ang listing ng ranks for this semester. Isang linggo matapos kaming nakapag-exam, I knew Cedrick and I did a great job on our review days. Alam ko rin na pinagsumikapan niyang umangat ngayon.
"Nasaan si Cedrick?" tanong ko sa isang kaklase nila nang makarating ako sa classroom niya.
"Si Cedrick ba? Ayon oh," sabi ng napagtanungan kong lalaki sabay itinuro si Cedrick na nasa sulok.
"Cedrick! May naghahanap sa 'yong chicks!" sigaw ng napagtanungan ko.
Medyo ngumiwi ako sa pagtawag niya ng chicks sa 'kin pero di ko na lang pinahalata. Nakita kong lumingon sa amin si Cedrick. May hawak siyang libro sa isang kamay pagkatapos ang isa naman ay may hawak na cellphone niya at nakatutok 'yon sa tenga niya. May katawagan siguro.
I wave my hand and smiled at him when he notice me. He smiled back and raise his book. I guess he's trying to say hi to me. Hindi lang niya magawa dahil parehong may hawak na bagay ang dalawang kamay niya.
Sesenyas sana ako para palapitin siya kaso natuon ulit ang atensiyon niya sa katawagan niya sa kanyang cellphone.
"Tara na miss, lumapit ka na lang sa kanya."
Tumango ako sa lalaki at nagpasalamat sa kanya. Nagtuloy-tuloy ako sa loob ng classsroom hanggang sa makalapit kay Cedrick.
"---I know, I know. I'm in the school now. Saka na tayo magkita..."
"Cedrick?" tawag ko sa atensiyon niya.
Lumingon siya sa akin pagkatapos ay inaabot ako kaya naman kusa na akong lumapit at sinalubungan siya ng yakap.
"Alright! Enjoy Audrey. Next time na lang."
Nilingon ko siya nang marinig na banggitin niya ang pangalang Audrey. So siya pala ang kausap niya? Madalas ba silang mag-usap? Ngayon ko lang kasi naaktuhan na nakikipag-usap siya kay Audrey sa telepono kahit na alam kong nagkikita naman sila minsan.
Ibinaba niya ang telepono kaya nagsalita na ako, "Si Audrey ang kausap mo?" ramdam ko ang gulat sa boses ko.
Lumingon siya sa akin habang nakaakbay ang isang kamay niya sa balikat ko. Tumango siya pagkatapos.
"Yeah... si Audrey nga. Nagpapasama lang ulit mag-mall. Ang sabi ko hindi pwede kasi nasa school tayo. Isa pa..." he turned his gazed to me. "I want to spend my day with you now. Mag-unwind muna tayo. Miss na rin kita."
Bahagyang umawang ang labi ko sa huli niyang sinabi pagkatapos ay bahagyang natawa. Kahit na parang nakaramdam ako ng selos sa nakatawagan niya ay parang natunaw ako bigla sa sinabi niya.
Itinikom ko ang bibig ko at tumango. Iniba na rin namin ang usapan. Binalita ko sa kanya na ngayon na ang releasing ng rankings sa school.
"Naka-post na ba?" tanong niya.
Nagkibit-balikat ako.
"Ewan ko. Siguro? Tignan na lang natin."
Magkahawak-kamay kaming pumunta sa bulletin board. Habang papalapit doon ay napapansin namin na parami na ng parami ang mga tao.
"Lumabas na siguro ang result. Marami ng tao, eh." si Cedrick.
"Oo nga. Nakatingin rin ang iba sa 'yo dito. Nakita na siguro nila ang rankings mo." sabi ko pagkatapos ay tumingin-tingin sa mga taong nadadaanan namin.
BINABASA MO ANG
Make Me Love You (21st Century Boys Series #1)
Dla nastolatkówCedrick Lee Vargaz never been fond of falling in love. He focus on his studies, family business, and in his family but not on his life. He clearly don't remember on how to took care of his self and to other people because he only cares on how to bea...